MAKATATANGGAP ngayon ng survivorship benefits ang asawa ni dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona na napatalsik bilang punong mahistrado ng Korte Suprema noong 2012.
Kasunod na rin ito ng unanimous full court decision na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul Hernando.
Sa desisyon ng SC, entitled si Corona ng kanyang retirement benefits na katumbas ng limang taong lump sum ng kanyang sahod at ilang allowances.
Pero dahil namatay na ito noong 2016 sa edad na 67-anyos, ang asawa ni Corona na si Ma. Cristina Roco Corona ang tatanggap sa mga benepisyo.
Base sa record ng SC, matapos umanong ianunsiyo ng Senado ang impeachment ni Corona noong May 29, 2012 ay sinampahan ang noo’y chief justice ng tax evasion charges, 32 criminal cases dahil sa perjury, 33 administrative complaints dahil sa paglabag sa Republic Act 6713 ng Code of Conduct of Ethical Standards for Public Officials and Employees at civil case para sa forfeiture noong 2014 .
Pero ang naturang mga charges ay na-terminate nang namatay si Corona noong 2016.
Ang desisyon ng kataas-taasang hukuman ay nag-ugat sa sulat ng asawa ni Corona na si Cristina na may petsang July 13, 2020.
Iginiit ni Mrs. Corona sa SC na ang kanyang namayapang asawa ay napatalsik sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment kaya nanawagan itong payagang ibigay ang kanyang retirement benefits at iba pang mga benepisyo sa ilalim ng Sections 1 at 3 ng Republic Act No. 9946 (RA 9946) at monthly survivorship pension sa Administrative Circular No. 81-2010 (AC 81-2010).
Ipinunto nitong entitled ang kanyang asawa sa naturang mga benepisyo dahil pinaghirapan naman niya ito ng 20 taon sa public service hanggang sa natanggal sa serbisyo sa edad na 63.
Nakasaad sa desisyon na ang impeachment ay political ang nature at ang proceedings dito ay para kumpirmahin at hatulan ang akusado base sa tiwala ng sambayanang Pilipino at hindi kasali rito ang kanyang legal right, title, eligibility o qualifications ng naturang opisyal.
The post Ex-CJ Corona pinayagan ng SC makuha ang retirement at iba pang benepisyo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: