Facebook

Huli sa survey pero nau-una sa serbisyo si Leni

NI minsan ay hindi pa nauna sa mga survey si Vice President Leni Robredo since kandidato siya at mahalal.

Pero pagdating sa serbisyo publiko, paghahatid ng tulong sa mga apektado ng kalamidad, nangunguna si VP Leni.

Oo! Nauunahan pa ni VP Leni ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang executive department ng gobyerno na may pinakamalaking pondo with over P163 billion a year, sa paghahatid ng relief goods o ayuda sa mga apektado ng mga kalamidad.

Tulad lamang nitong pananalasa ng bagyong Auring sa Mindanao, ora mismo ay nagpadala ng relief goods ang tanggapan ni VP Leni sa Suriago del Sur na dalawang araw lubog sa baha ang kabayanan.

Nagpadala rin ng relief goods sa mga mangingisda sa Quezon ang tanggapan ng Office of the Vice President (OVP). Ilang araw kasi na hindi nakapalaot ang mga mangingisda dahil sa malalaking alon dulot ng bagyong Auring.

Ang OVP ay walang pondo para sa pamimigay ng ayuda. Ang ipinamimigay nila ay mula sa mga pribadong kompanya na idinadaan sa OVP ang pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng mga kalamidad.

Ibig sabihin nito ay mas may tiwala ang mga pribadong kompanya sa OVP kesa DSWD. Mismo!

Ang tanggapan ni VP Leni ay ginawaran ng pinakamataas na audit rating ng Commission on Audit (CoA) sa kanilang financial reports. Binigyan ito ng “unqualified opinion”, ibig sabihin ay tama ang paggamit sa kanilang pondo. Simula 2017 hanggang 2020 ay ito ang audit rating ng OVP. Galing!

Nagtataka lang tayo kung bakit pagdating sa mga survey ay kulelat si VP Leni, nauungusan pa siya ng mga inutil na opisyal. Totoo ba talaga ang survey o kulang lang si Leni sa “PR”?

***

Sa latest survey ng isang research team na OCTA para sa presidentiables, nangunguna ang Presidential daughter na mayor ng Davao City na si Sara Duterte, sumunod sina Sen. Grace Poe at Sen. Manny Pacquiao. Malayo si VP Leni.

Pero sinabi ni Sara na hindi siya tatakbong Presidente. Kung totoo si Sara sa sinabi niyang ito, that means ang magbabalitaktakan ay sina Grace Poe at Pacquiao. Longshot si VP Leni.

Pero isa man sa kanila ay wala pang nagdedeklara na tatakbo sa pagkapangulo sa 2022. Lahat ay nagsasabing hindi tatakbo.

Well, malalaman natin ito sa mga sunod na buwan. Sa Oktubre na ang paghahain ng Certificate of Candidacy (CoC), pitong buwan mula ngayon.

Abangan!

***

Sa usapang bakuna kontra Covid-19, malinaw na walang mangyayaring vaccination ngayong buwan.

Maliwanag rin na walang darating na bakuna ng Pfizer, Moderna o AstraZeneca na mga gawa ng US at UK pharmaceuticals.

Ang darating ay ang matagal nang ginigiit ng gobyerno na Sinovac vaccine mula Tsina.

Kaso, sabi ng Food and Drug Authority, ang Sinovac vaccine ay inirerekomenda para sa healthcare workers at senior citizens. Kasi mababa raw ang efficacy rate nito. Pang-emergency use lang daw ito.

Wala naman palang kuwenta itong Sinovac vaccine, bakit pa tayo patuturok? Mamaya niyan maging simula pa ito ng pagiging impotent ng mga lalaki eh. Hehehe…

***

SABI ni Pangulong Duterte, hindi niya ibababa ang quarantine sa modified hangga’t walang bakuna. Eh kailan pa ba ito darating? Disyembre 2020 nya pa ito ipinangako, Pebrero 2021 na! Yawa!

The post Huli sa survey pero nau-una sa serbisyo si Leni appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Huli sa survey pero nau-una sa serbisyo si Leni Huli sa survey pero nau-una sa serbisyo si Leni Reviewed by misfitgympal on Pebrero 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.