Facebook

Rider patay nang mag-overtake sa nakahintong trak

Patay ang isang rider nang sumalpok sa nakahintong trailer truck sa kahabaan ng Road 10 sa Maynila nitong Martes.
Kinilala ang biktima na si Rodulfo Andaya Penoliar Jr., 53 anyos, nakatira sa 105 Malusak Santa Ana, Bulacan, Bulacan.
Sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit (MTEU), 2:20 ng hapon nang binabagtas ng biktima ang southbound lane ng Road 10 kanto ng Pacheco St. nang bigla umanong sumalpok ang biktima sa nakahintong trailer truck na may plakang ABA 9818.
Ayon sa report, nag-overtake ang biktima sa kaliwa ng isang pampasaherong jeep nang mabulaga ito sa truck na nakahinto habang hinihintay na umusad pa U-turn sa pilahan ng trak sa Road 10.
Sinasabing maituturing ang insidente na self accident dahil ang biktima ang sumalpok habang nakahinto ang trak.
Wala namang maibigay pa ang Traffic Bureau ng pangalan ng truck driver dahil dinala pa ito sa ospital para maisalang sa medical bilang bahagi ng proseso sa pag-iimbestiga ng mga otoridad sa insidente habang isinusulat ang balitang ito. ( Jocelyn Domenden)

The post Rider patay nang mag-overtake sa nakahintong trak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Rider patay nang mag-overtake sa nakahintong trak Rider patay nang mag-overtake sa nakahintong trak Reviewed by misfitgympal on Pebrero 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.