Facebook

Jalen Green umiskor ng 21 sa panalo ng Ignite

NAGPASIKLAB ang Filipino-American guard Jalen Green ng 21 points upang buhatin ang Team Ignite na makuha ang 113-105, tagumpay laban sa mabangis na Raptors 905 sa NBA G League, kahapon ng umaga sa Walt Disney World Complex sa Orlando.
Naglaro si Green ng 23 minuto at kumana ng mahusay na 7-of-12 from thr field,habang nagdagdag ng three rebounds at three steals.
Ito ang ikatlong dikit na tagumpay ng Team Ignite sa G League bubble season, para umakyat sa tuktuk ng standings kasama ang Austin Spurs.
Hindi rin nagpa-awat si Daishen Nix na bumakas ng 25 points on 8-of-15 shooting, na sinahugan ng eight rebounds at six assists. Habang si Jonathan Kuminga na kinukunsiderang top 5 pick sa NBA Rookie Draft, ay nagdagdag ng 23 points at 13 rebounds.
Jack nagtapos ng five points,nine assists at six rebounds.

The post Jalen Green umiskor ng 21 sa panalo ng Ignite appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Jalen Green umiskor ng 21 sa panalo ng Ignite Jalen Green umiskor ng 21 sa panalo ng Ignite Reviewed by misfitgympal on Pebrero 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.