TRENDING tweet ni Senador Ping Lacson:
The next Presidente (of the Philippines) will deal with the following:
* Bad economy
* West Philippine Sea
* Covid-19
* P12 Trillion national debt
* Corruption, drugs, peace and order
* 50 percent increase in IRA
* 17.7 percent unemployment rate
* 30.7 percent hunger rate
MUP Pension (P9.6-T seed fund)
* Low tax revenue
Apply now, suffer later.
Ibig sabihin nito ay hindi puwede ang tatanga-tangang kandidato sa pagka-Presidente ang dapat mahalal sa 2022 Presidential Election or else lalong magkakahetot-hetot ang ekonomiya ng Pilipinas.
Ang dapat maging Pangulo sa 2022 ay isang ekonomista, may vision, masipag, matapang at seryoso sa pagpa-patupad ng mga programang pambansa upang makabangon sa grabeng pagkakalugmok na ito.
Sayang na sayang talaga ang magandang ipinundar ng mga nakaraang administrasyon na sa isang iglap ay naglaho.
Nabola kasi tayo, napagpaniwala sa pangako ng isang kandidatong wala palang binatbat sa pagpapatakbo ng gobyerno. Mismo!
Ito pa ang isang tweet ni Sen. Lacson ang nag-trending:
Dear Sam,
This is refers to the statement, “You want the VFA? You have to pay”.
Just to clarify, please be informed that we are not a nation of extortionist; at lalong hindi kami ‘mukhang pera’. Err… hindi lahat.
Shamefully,
Juan
Ang tweet na ito ni Sen. Lacson ay reaksyon niya sa naging talumpati ni Pangulong Rody Duterte sa base ng Philippine Air Force sa Clark, Pampanga kamakailan, kungsaan pinasaringan ng pangulo ang Amerika hinggil sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Sa totoo lang, mga pare’t mare, parang sirang plaka na sa isyu ng VFA si Pangulong Duterte.
Hindi ba’t ilang beses na niyang inanunsyo ang pagkansela sa VFA, hindi naman ginawa. Nam-bully lang!
Pinagbabayad niya ang Amerika sa VFA eh nakalagay naman doon sa agreement ang lahat at sinusunod ng Estados Unidos.
Tapos itong China na lantarang nang-aagaw ng ating mga isla at nananagasa ng ating mga mangingisda sa West Philippine Sea, pinupuri ni Duterte ng todo todo. Ewan!
***
SABI ng mga suporter ni Pangulong Duterte, dapat ang sunod na presidente ay ang anak nito na si Davao City Mayor Sara Durerte-Carpio para maipagpatuloy daw ang mga programa ni Digong.
Again… balikan natin ang unang tweet ni Lacson sa itaas. Gusto n’yo bang ipagpatuloy ni Sara ang pagbaon ng kanyang ama sa grabeng pagkabagsak ng ekonomiya ng Pilipinas?
Si Sara ay isang abogado, hindi ekonomista, tila wala ring vision. Hindi siya ang tamang maging lider ng bansa.
The post Problemang kakaharapin ng sunod na Presidente appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: