Facebook

Kailangan din sumugal at pumusta ang gobyerno, no guts, no glory…

KAILANGAN din makipag-pustahan o sumugal ang gobyerno hinggil sa pag-luluwag at pag-bubukas pa ng mga negosyo tulad ng mga sinehan, arcade at iba pang mga establistamento na halos isang taon rin nag-sara sanhi ng pandemyang dulot ng covid19.

Bukod pa sa negosyo, pina-patupad din ng gobyerno ang pag-taas ng 50 porsiyento mula sa 30 porsiyentong kapasidad ng mga taong papasok sa loob ng simbahan, mga sambahan at iba pang religious gathering.

Hindi nga naman pwedeng manatili ng ganito ang industriya at mga negosyo dahil sa hindi uusad ang ekonomiya ng bansa gayundin ang estado ng mga mamamayan.

Konting lakas lang ng loob at pag-subok ang ating kailangan upang bumalik sa normal ang dating kalakaran ng ating bansa na kung saan mayoridad ng ating kababayan ay may trabaho.

Huwag sana nating pana-tiliin ang takot at pangamba sa ating mga puso dahil sa banta ng virus na ito na lubhang nag-pahirap sa atin ng halos isang taon.

Wala kasing mangyayari sa ating lahat kung hindi tayo makikipag-sapalaran sa buhay. Sumugal na rin tayo at dapat maging positibo ang ating pananaw sa anumang dudulot na resulta nito kaysa maging stagnant at passive.

No guts, no glory…hindi tayo pwedeng naka-kulong na lamang sa isang sulok ng daigdig ng wala tayong nakikita, nararamdaman at walang eksperiyensa dahil sa walang ibang idudulot ito kundi kahirapan at gutom.

May punto rin kasi ang ating gobyerno na maski paunti-unti lang ay buksan ang mga establistamento at negosyo para sa kapakanan ng ating bansa na matagal ng pina-pahirapan ng pandemyang ito.

Sa kabilang dako, meron din naman katuwiran ang mga taong kumo-kontra dito sa panukalang ito dahil sa malaki rin nga naman ang posibilidad na muling lumobo ang pag-kalat ng virus.

Ano man ang sabihin, isipin o imungkahi ng sinuman , ang lahat ng ito ay meron lang isang motibasyon at pare-pareho lang na para sa kapakanan ng ating bansa.

THERE”S HARM IN TRYING…

Sa situwasyong ating kina-kaharap, itsa-pwera muna natin ang kasabihang theres no harm in trying dahil thres a lot of harm in trying sa pagka-kataong ito.

Hindi pwedeng walang maging pinsala kung magaganap ang plano ng ating gobyerno na buksan na ang ibang mga negosyo tulad ng mga sinehan, arcade at iba pa.

Dalawang bagay lang ang dapat nating hintayin kung sakaling matuloy ang mungkahi ng ating gobyerno. Iyan ay ang manatili o mabawasan pa ang kaso ng covid19 o lumobo na naman ang bilang ng mga biktima ng virus na ito.

Anuman ang maging resulta, ang lahat ng ito ay gina-gawa o sinu-subukan para rin sa kapakanan ng ating mamamayan, di po ba?

No regrets anuman ang mangyari dahil may punto rin naman at katuwiran pare-pareho ang isat-isa kung kaya nga ito ay isa-sagawa.

Tayo ay maging positibo na lang, lakasan ang loob at manalangin sa Poong Maykapal para sa ikare-resolba ng krisis na ito hinggil sa covid19.

The post Kailangan din sumugal at pumusta ang gobyerno, no guts, no glory… appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kailangan din sumugal at pumusta ang gobyerno, no guts, no glory… Kailangan din sumugal at pumusta ang gobyerno, no guts, no glory… Reviewed by misfitgympal on Pebrero 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.