![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2021/01/bigwas-1.jpg)
SUNUD-SUNOD ang paglalabas ng mga direktiba ni Agriculture Secretary William Dar upang matapos na ang problema ng bansa sa walang tigil na pagtaas ng baboy, manok, isda at mga gulay.
Kaya, pwede nating sabihing masipag na opisyal si Dar.
Pokaragat na ‘yan! Kahanga-hanga si Doktor Dar.
Sana, mali ang suspetsa ko na ang ipinapakita niyang sipag ay tatakbo siyang senador sa halalang 2022.
Dito kasi sa Pilipinas, nagpapakitang gilas ang mga opisyal ng pamahalaan, senador, kongresista at mga politiko na ‘kakaibang sipag’ tuwing malapit na ang halalan.
Pokaragat na ‘yan!
Higit sampung buwan na lang, “election period” na alinsunod sa itinakda ng Commission on Elections (Comelec) kamakailan.
Walang problema kung planong tumakbo ni Dar, basta ang mahalaga ay tapat at seryosong paglutas sa problema ng napakataas na presyo ng mga bilihin ang pakay niya.
Kaso, napapansin ko na nasentro ang desisyon ni Dar sa baboy, samantalang alam naman niyang hindi lang ito ang napakamahal sa ngayon.
Napakataas din ng presyo ng isda, gulay, bigas at iba pa.
Tama ba ako , o mali?
Dapat, pati ang mga produktong ito ay ginagawan niya ng paraan at solusyon dahil sakop ang lahat nang mga produktong ito ng Department of Agriculture (DA).
Huwag kalimutan ni Dar na ang pananatiling napakataas ng presyo ng mga bilihing mayroong sakop ng agrikultura ay patuloy ring binabawasan ang kapasidad ng minimum na sahod ng mga manggagawa na makabili ng maraming produktong kailanbgan ng kani-kanilang amilya araw-araw.
Syempre, higit na kaawaawa ang kalagayan ng mga manggagawang nawalan ng trabaho mula nitong 2020 hanggang ngayong Pebrero 2021.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), umabot sa limang milyon ang nawalan ng trabaho nitong nakaraang taon.
Nadagdagan 133,315 ‘yan nitong Enero.
Inaasahan ng Partido Manggagawa (PM) na patuloy na tataas ang bilang ng mga nawawalan ng trabaho kada buwan hanggang sa susunod na taon dahil walang programa ang administrasyong Duterte upang magkaroon ng hanap-buhay ang mga natanggal sa kani-kanilang kumpanya.
Kaya, maliban sa napakataas na presyo ng mga bilihin, umaksyon din dapat itong si Secretary William Dar laban sa mga negosyanteng madaya ang timbangan.
Sa totoo lang, maraming negosyante sa mga palengke ang ubod nang dugas sa timbangan.
Ang layunin ng madayang timbangan ay upang lalo pang kumita nang napakalaki ng mga tindero at tindera sa mga palengke.
Huwag sabihin ni Dar na hindi ito sakop ng kanyang trabaho.
Kung ito ang argumento niya, tigilan ng DA ang pagbili ng mga baboy sa mga hog raiser mula sa iba’t ibang rehiyon upang rasyonan ang mga palengke sa Metro Manila ng mga baboy, sapagkat hindi ito kasama sa mandato ng DA.
Malaganap ang problema sa madayang timbangan.
Kaya, nararapat lang na kumilos nang kumilos ang DA at mga pamahalaang lokal.
The post Madayang timbangan, malaganap appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: