Facebook

“Magpabakuna para mabuhay…”

ITO ang panawagan sa publiko ng mga kilalang vaccine experts sa bansa na sina Doktora Lulu Bravu ng Department of Health (DoH) at Nina Gloriani ng Department of Science and Technology.

Sabi ng 70-anyos na si Dra. Bravu, 35 taon nang vaccine trialist, dapat tayong magtiwala sa bakuna dahil ito lang ang magliligtas sa ating buhay.

Lahat ng bakuna, sabi na Dra. Bravu at Dra. Gloriani, ay pinag-aralang mabuti, dumaan sa mga trial, siburi at inaprubahan ng World Health Organization (WHO) at dumaan din sa masu-sing pag-aaral ng Food and Drug Authority (FDA) ng Pilipinas.

Bagama’t ang kontrobersiyal na Sinovac vaccine mula sa China at mababa ang efficacy rate, ito ay ligtas at makapagliligtas ng buhay. Kaya hindi ito dapat katakutan lalo sa emergency use.

Ang mga bakuna kontra Covid-19, sabi pa nila, ay pinagtulungang aralin ng mga dalubhasa sa paggawa ng bakuna sa buong mundo. Kaya ito ay ligtas at tanging makapagliligtas sa buhay laban sa mapamuksang virus.

Nang marinig ko ang mga paliwanag na ito ng ating vaccine experts, nakumbinsi akong magpabakuha na.

Dapat kasi noon pa ay silang vaccine experts na ang pinagsasalita ng gobyerno sa publiko hindi ‘yung mga politiko, abogado at retired military Generals na walang alam sa medisina. Mismo!

Ang problema nalang ngayon ay ang bakuna, wala pa. May nakatakdang dumating nitong Linggo ng hapon. Sasalubungin pa nga raw ni Pangulong Rody Duterte. Kaso 600,000 doses lang daw ito. Ang 500,000 doses ay para lang muna sa healthcare workers, at ang 100,000 doses ay para sa uniformed personnel.

Sabi ni vaccine zcar Secretary Carlito Galvez, sa last quarter ng taon ay marami nang darating na mga bakuna para sa 70 million target na maturukan kontra Covid-19.

Pinirmahan narin nitong Biyernes ni Pangulong Rody Duterte ang Covic-19 Vaccination Program Act of 2021. Sa batas na ito ay pinapayagan ang local government units na bumili ng bakuna para sa kanilang constituents. Ayos!

Again, mga suki, pag available na ang bakuna, magpaturok tayo tulad ng pagbakuna natin sa tigdas at dengue kontra sa mga virus sa ating paligid. God bless sa ating lahat. Keep safe always!!!

***

Sa aming weekly Zoom forum sa National Press Club last Friday morning, isa sa guest namin ang kilalang political analyst sa bansa na si Ramon Casipli.

Tinalakay namin sa forum ang Presidentials sa 2022.

Sabi ni Casipli, masyado pang maaga ngayon para magdeklara ang mga tatakbo sa pagkapangulo. Nadala na kasi aniya ang mga naunang tumakbong pangulo na maagang nagdeklara at natalo dahil sa mga demolition ng kalaban.

Ang sigurado, sabi ni Casipli, ay sa Hunyo magdedeklara ang mga tatakbo sa nationals.

Sa ngayon, malakas ang paniniwala ni Casipli na ang ilalaban ni Pangulong Duterte ay ang kanyang anak na si Sara Duterte-Carpio, ang alkalde ng Davao City.

Ang mga pag-iikot ngayon ng supporters ni Sara ay isang malakas na indikasyon na tatakbo si Sara kahit pa sabihin nito ngayon na ‘di siya tatakbo. Ginawa rin kasi ito noon ng kanyang ama na last minute nag-file ng candidacy.

Naniniwala rin siya na si VP Leni Robredo ang ilalaban ng oposisyon.

Sabi ni Casipli, ang dapat na ihalal ng mga botante ay ang may kapasidad harapin ang problema sa West Philippine Sea, pan-demya sa Covid, bagsak na ekonomiya, malaking pagkakautang ng gobyerno, malaking bilang ng walang trabaho, droga at grabeng korapsyon.Mismo!

Pero bago ito, magpabakuna muna tayo, mga pare’t mare…

The post “Magpabakuna para mabuhay…” appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
“Magpabakuna para mabuhay…” “Magpabakuna para mabuhay…” Reviewed by misfitgympal on Pebrero 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.