Facebook

Mga kandidato

TINGNAN ang persa: Marso 1, 2021 ngunit mararamdaman na umiinit ang pulitika sa bansa. Kahit hindi pa tag-init, nandiyan ang mga kandidato at paunti-unting kumakatok sa puso ng mga botante. Nagpapaganda, nagpapaguwapo, at pawang kinukumbinsi na nila ang mabuting kaluluwa na magdadala sa Filipas sa pinagpalang lugar.

Una sa listahan si Sara Duterte, anak ni Rodrigo at kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ang pangunahing kandidato ng sindikatong Davao. Walang karanasan na humawak ng anuman puwesto sa pambansang lebel, ngunit sobrang ambisyosa na humalili sa ama. Ipapagpatuloy malamang ang naumpisahan ng ama, ngunit hindi sinabi kung ano.

Sa totoo, walang ginawa ang ama kundi humudyat sa pagkitil sa buhay ng mahigit 30,000 na sangkot umano sa bawal na droga. Ang ama ang gumupit ng laso ng mga proyekto ni PNoy na natapos sa terminto ni Rodrigo. Pinagtatawanan kung ano ang tatapusin sapagkat halos walang natapos ang kanyang ama. Hindi malinaw kung ano ang ipagpapatuloy.

Bukod sa dala niya ang pangalang Duterte at isang abugada, walang malinaw na katangi-tanging kuwalipiskasyon upang pumalit sa ama. Halos hindi nagpraktis ng abugasya at walang nagawa sa kanyang siyudad na itinuturing na isang hindi maunlad na siyudad dahil walang unibersidad at matinong ospital ang gobyerno lokal.

Ipinapalagay ng ibang nagmamasid na pain si Sara at ang totoong kandidato ng Grupong Davao ay si Bong Go, ang matapat na alalay, alila, at kapalagayang loob ni Rodrigo. Siya umano ang nagbibigay pondo sa kampanyang Run Sara Run upang himukin umano si Sara na tumakbo sa 2022. Kapag hindi nagklik, si Bong Go ang nakatakdang pumalit.

Parehong pro-China sina Sara Duterte at Bong Go. Kamping-kampi sila ng China. Mukhang handang gumugol kahit bilyon ang China sa kandidatura ng sinuman sa kanila basta manatili na kakampi ng China ang Filipinas.

Kamakailan, nagtanghal ng motorcade sa kahabaan ng EDSA ang kampo ni Sara upang himukin na tumakbo sa panguluhan sa 2022. Sinalubong ng dirty finger ng mga nakasaksi. Pinagtawan sa social media at nilibak ang mga na-umpisa. Nangampanya sila sa gitna ng pandemya.

Dumagsa ang katakot-takot na tarpaulin na pabor sa kanya, ngunit tinuya ng mga netizen dahil nauna pa ang mga tarpaulin sa bakuna. Pilit nilang inululunsad ang kanyang kandidatura kahit na walang dumarating na bakuna. Kahit tinatanggihan ng marami ang bakuna mula China.

Kandidato si Bongbong Marcos, anak ng dating pangulo Ferdinand Marcos. Nagsabi kamakailan ang kanyang pangunahing abugado na tatakbo si Bongbong sa isang posisyon na hindi nilinaw. Pinaniniwalaan na bilang pangulo sa 2022. Napundi si Bongbong sa hatol ng Korte Suprema na nagpawalang bisa sa kanyang protesta kontra sa Pangalawang Pangulo Leni Robredo. Mas desidido siyang tumakbo sa panguluhan sa 2022.

Nabalitang sinabihan si Bongbong na tumabi na lang at maghintay sa 2022. Mukhang maysakit pa si Bongbong Marcos at mahina ang katawan. May nagpanukala sa pamilya Marcos na si Imee na lang ang tumakbo bagaman sinasabing hindi gusto ni Imee na tumakbo sapagkat alam niya na mas malakas si Bongbong. Walang desisyon tungkol sa isyu na ito. Mukhang maghihiwalay ng landas ang pamilya Duterte at Marcos sa 2022.

Tatakbo bilang pangulo si Manny Pacquiao bagaman itinuturing na isa itong masamang biro. Bagaman nangingibabaw kay Mane ang ambisyon, hindi siya magaling. Wala siyang ipinakita na natatanging galing sa paggawa ng batas. Nanatiling siyang underachiever sa pulitika. Hindi siya sineseryoso bagaman may mga ulat na kinukunsidera siya ng kilusang kaliwa, o ang mga natdem, dahil madali siyang kausap – o utuin.

Nabibiyak ang naghaharing koalisyon. Hindi magsama-sama ang mga lapian, grupo, at pamilya pulitikal na nagtulong-tulong upang iluklok si Duterte nuong 2016. May kanya-kanya kandidato sa 2022. May sari-sariling agenda kahit na hindi maituturing na demokratiko at lihis na lihis sa diwa ng demokrasya at Saligang Batas. Umiiral ang inggit, kasakiman, at ambisyon.

Hindi alam ang kandidato ng Nacionalista Party ng mga Villar subalit maaaring tumakbo ang sinuman sa mag-ina – Cynthia at Mark. Walang nagawa si Cynthia na matino sa Senado kundi magbunganga na mistulang isang matapobreng madrasta. Walang ginawa si Mark sa DPWH kundi tapusin ang mga proyektong naumpisahan ng gobyerno ni PNoy.

Palaisipan kung tatakbo sina Dick Gordon, Ping Lacson, at negosyanteng Ramon Ang. Hndi malaman kung tatakbo si Alan Peter Cayetano ng BTS at Bebot Alvarez ng Reporma. Lone Ranger sina Gordon at Lacson dahil mahilig maglayag mag-isa. Hindi sineseryoso si Cayetano at Alvarez dahil wala sa hulog ang kanilang kandidatura. Nakuha ni Ang ang gusto niya – ang prangkisa ng airport sa Bulacan. Hindi niya kailangan na tumakbo sa pulitika. Ngunit kung gusto ninyong sumaya ang halalan sa 2022, nagbabalak si Ely Pamatong. Tiyak na ibibinisto ang Davao Group sa kampanya. Hindi siya nuisance candidate

***

LALABAN sa kandidatura ng mga mapagpanggap na puwersa ng demokrasya sa bansa. Sila ang totoong oposisyon. Katanggap-tanggap ang kandidatura ng sinuman kay Bise Presidente Leni Robredo at dating senador Sonny Trillanes. Sinuman ang tumakbo sa kanila sa panguluhan ang kakatawan ng puwersa ng demokrasya sa 2022.

Mukhang hindi nauunawaan ng mga posibleng kandidato sa 2022 ang biglang pagbabago sa foreign policy ng Estados Unidos. Hindi na nanood lang ang Estados Unidos. Gagawa ito ng paraan upang tugunan ang paghahari-harian ng China. Ipagtatanggol ang demokrasya upang masiguro na hindi makapaghahari ang China sa Silangang Asya.

May mga pahiwatig na hindi papayag ang Estados Unidos sa mga pro-China na kandidato tulad ni Bongbong Marcos, Sara Duterte, Bong Go, at Alan Peter Cayetano. Mas pinapaboran nila ang kandidatura ng mga nagtataguyod sa demokrasya. Tanging si Leni at Trillanes ang malinaw sa usapin na ito. Malinaw na ayaw nila na maghari ang China sa rehiyon.

Hindi maialis sa isip na gagawing proxy war ng Estados Unidos at China ang eleksyon sa 2022. China versus Estados Unidos. Hindi papayagan na makapamayagpag muli ang China sa Filipinas. Hindi mahirap pumili ngunit nakakagulo sa kasaysaya ng bansa. Maiging supilin ang mga pro-China. Tapusin ang kanilang paghahari.

***

MGA PILING SALITA: “THE vaccine is safe.” – Joe Biden, pangulo ng Estados Unidos

“Their supposed vaccination program of the Duterte government is collapsing because of the resistance against the China-made vaccine. There are few takers. Sayang lang. Those who were about to be vaccinated wrongly thought they would have Pfizer, Modern, or Johnson & Johnson. When told they would have China vaccine, they backed out. Ayaw. Baka biglang mangisay. Besides, it’s of low efficacy rate.” – PL, netizen

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Mga kandidato appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga kandidato Mga kandidato Reviewed by misfitgympal on Pebrero 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.