Facebook

Manila Covid-19 Vaccine Action Center (MCVAC) binuo ni Isko at Honey

INANUNSYO ni Manila Mayor Isko Moreno na binuo nilang dalawa ni Vice Mayor Honey Lacuna ang Manila COVID-19 Vaccine Action Center (MCVAC) bilang paghahanda sa darating na libreng pagbabakuna sa may tinatayang milyong residente, manggagawa at mga bisita sa kabisera ng bansa sakaling dumating na ang bakuna.

Ayon sa alkalde, layunin ng MCVAC ang tumulong sa pagrerehistro ng mga taong nais na magpabakuna laban sa COVID-19; magbigay ng kasagutan sa lahat ng tanong tungkol sa bakuna at iulat at i-refer kung may magaganap na AEFI (adverse events following immunization).

Isang presentation na pinamagatang, A “Manila COVID-19 Vaccination Plan” ang ipinakita ni Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold ‘Poks’’ Pangan sa mga kawani ng Manila City Hall.

Hinikayat ni Pangan ang publiko na tumawag sa MCVAC sa pamamagitan ng mga celphone numbers 0927-351-0849; 0915-703-0621; 0968-572-1975; or 0961-020-2655 para sa lahat ng katanungan tungkol sa COVID-19 vaccination program.

Sinabi ni Moreno na ang MHD bilang punong abalang departamento sa COVID-19 vaccination program ng lungsod ay naghahanda na ng information campaign upang mahikayat ang mga residente na magpabakuna. Hinahanda na rin ng MHD ang paggawa ng master list ng priority groups sa pamamagitan ng pagrerehistro ng mga indibidwal.

Nauna rito ay pinangunahan nina Moreno, Lacuna at Pangan ang simulation exercises para sa magiging takbo ng aktwal na pagbabakuna.

Ang mga sunod-sunod na proseso ay ang mga sumusunod: Kukunan ng vital signs ang mga indibidwal sa waiting area, pupunta sa pre-registered area para sa beripikasyon ng identification ng kliyente at counselling naman para sa walk-in individuals’; pupunta sa screening area para sa assessment at final consent; pupunta sa vaccination area para sa pagkukumpleto ng immunization card; pupunta sa monitoring area kung saan oobserbahan sila sa loob ng 30 minuto hanggang isang oras kung may hindi magandang epekto ang bakuna.

Sakaling magkaroon ng AEFI o adverse events following immunization, mayroong nakaantabay na Emergency Response Team, na kinabibalangan ng doktor at ambulansya na kumpleto ng medical emergency kits. Halimbawang magkaroon naman ng emergency, ang mga indibidwal ay agad na dadalhin sa pinakamalapit na ospital sa Maynila.

Para sa mga nabakuhahan na, sinabi ng MHD na sila ay bibigyan ng Vaccination Passport. Gagawa rin ang MVAC ng evaluations at reports kaugnay ng vaccination program. (ANDI GARCIA)

The post Manila Covid-19 Vaccine Action Center (MCVAC) binuo ni Isko at Honey appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Manila Covid-19 Vaccine Action Center (MCVAC) binuo ni Isko at Honey Manila Covid-19 Vaccine Action Center (MCVAC) binuo ni Isko at Honey Reviewed by misfitgympal on Pebrero 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.