PAYAG si Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa panukalang Bayanihan 3 na tutulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni ni Go na batid niyang pinag-aaralan na ng mga financial manager ng gobyerno kung may mapagkukunan ng pondo para sa ayudang ibibigay sa mga tao.
Binigyang-diin ni Go na talagang mahirap ang buhay ngayon dahil marami ang nawalan ng trabaho kaya naman kung may tulong na ibibigay ay dapat nang maibigay sa mga nangangailangan.
Inihayag din ni Go na dapat matulungan ang mga maliliit na negosyante para patuloy na makapagbigay ng trabaho sa mga mamamayan.
“Ako po ay pabor ako d’yan sa Bayanihan 3. Pinag-aaralan na po ng ating finance managers ngayon kung may available funds ang gobyerno. Kung may pang-ayuda, ibigay n’yo na po sa tao kung maaari,” sabi ni Go
Tiniyak din ni Go na handang suportahan ng Senado ang mga legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte na makatutulong sa mga mahihirap.
“Alam n’yo po, mahirap ang buhay ngayon, maraming nawawalan ng trabaho. Ang nawawalan ng trabaho po, may pamilyang binubuhay, pinapakain po ‘yan. So, kung anong ayudang ibibigay, tulungan natin. Kung sakaling pumasa ang Bayanihan 3, meron na pong finile sa Congress, kami naman po sa Senado, handa kaming sumuporta sa legislative measures po ng Pangulo na nakakatulong po sa mahihirap,” pahayag ng senador.
Una nang isinulong sa Kamara ang Bayanihan 3 na magbibigay ng tulong sa mga mamamayan at mga negosyante na makabawi mula sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic. (Mylene Alfonso)
The post Sen. Bong Go pabor sa Bayanihan 3 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: