Facebook

Masyadong huli

HINDI kami sang-ayon sa pahayag ng Bise Presidente Leni Robredo na sa Septiembre siya magpapasya kung tatakbo o hindi sa halalang pampanguluhan sa 2022. Sa totoo, hindi ito bahagi ng anumang istratehiya. Masyadong huli sa aming pakiwari. Hindi sapat ang panahon upang makapaghanda at makipagpukpukan laban sa mga naghaharing uri.

Mas maigi kung tumakbo na lang siya bilang gobernadora ng Camarines Sur o alkalde ng Naga City. Kahit kinatawan ng kanyang distrito sa kanyang lalawigan. Ngunit humudyat naman siya para maghanda ang puwersang demokratiko upang lumaban sa puwersa ng kadiliman sa 2022. Mukhang hindi siya handa na makipagbanatan sa magulong mundo na national politics. Hindi siya ang tipong ruthless (walang awa) sa salyahan sa pulitika.

Nandiyan si Sonny Trillanes na handang sumagupa sa puwersa ng Davao Group, o ang mga tuta ng China. Kung ayaw ni Leni, hayaan na maghanda si Sonny Trillanes. Buo ang loob ni Sonny at kakasa siya. Hindi basta sumusuko si Trillanes sa laban. Alam niya ang gagawin kapag nabigyan ng pagkakataon sa laban. Hindi ito tatalikod o tatakbo sa laban.

Naniniwala si Trillanes na si Leni ang may pinakamagandang tsansa sa hanay ng oposisyon. Hindi nasabit sa anumang iskandalo si Leni. Hindi siya naakusahan ng pandarambong sa kaban ng bayan. Alisto at maliksing kumilos lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad. Hindi lamang mandirigma at may kahinaan ang loob sa kontrobersiya.

Buo ang loob ni Trillanes sa laban. Hindi siya bantulot sa laban kahit pangalawa lamang siya sa pagpipilian. Sa ganang kanya, kailanganb mapangalagaan ang bansa at ang demokrasya na tinatamasa natin. Hindi siya payag na mangibabaw ang China sa suliraning panloob ng bansa. Labis-labis ang pagiging makabayan ni Sonny Trillanes.

Kung sa Septiembre pa magdesisyon si VP Leni Robredo, gagawa ng sariling oposisyon ang Davao Group. Biglang oposisyon si Alan Peter Cayetano ng BTS o Bebot Alvarez ng ewan kung anong lapian. Akala kasi ng ilang tagahanga ni Leni, iikot ang mundo sa idolo nila. Hindi sa kanya iikot dahil wala siya sa poder. Ang Davao Group ang gagawa ng bagong oposisyon para sila pa rin sa 2022. Kaya nga nandiyan sa paligid sina Cayetano at Alvarez.

Sa ngayon, mababa ang rating ng oposisyon sa mga opinion poll. Ngunit tataas ito sa sandaling maging malinaw kung sino ang magiging kandidato ng oposisyon. Iisa ang dahilan: kinakatawan ng kasalukuyang oposisyon ang puwersa ng demokrasya sa bansa. Kalaban natin ang puwersa ng China, o Davao Group.

***

MAYROON akong isinulat na munting post sa social media. Umani ito ng maraming atensyon sa mga netizen. Pakibasa:

UNBEKNOWNST to many people, an informal committee composed of prominent people like Church leaders, retired jurists, business guys, among others, has been formed this year to interview possible presidential contenders for the 2022. They are not to select, but they could recommend or endorse a presidential bet for the pro-democracy movement in 2022.

According to the grapevine, the committee has interviewed four political figures: VP Leni Robredo, en-Sen. Sonny Trillanes, Sen. Grace Poe; and Manila Mayor Isko Moreno. Poe said she is not running, although she is open for the VP (why not in 2016 is beyond me). Trillanes said he was open but said he believed Leni Robredo had the best chances and would defer to her. Leni is undecided but would make her decision by May. Why it did not interview Sen. Kiko Pangilinan is beyond me.

The committee members are not elected. Neither they were urged by leaders of those groups comprising the pro-democracy movement. But because of their public reputation, their endorsement holds moral authority and suasion in the pro-democracy movement. They have interviewed the four guys on the basis of a set of criteria, primarily their stand on democracy – obviously their democratic values and beliefs.

Obviously, the pro-democracy movement has learned its lessons in the past. In 1985, the then opposition had formed the National Unification Committee to choose the possible replacement to Ferdinand Marcos. It has Cory Aquino and Justice Celing-Munoz Palma as members. Palma resigned, while Cory Aquino became the candidate of the collective opposition. The NUC became a toothless creation. In 1991, The LDP selected Ramon Mitra Jr. as its presidential candidate in a national convention, where FVR lost. FVR seceded and formed the Lakas-NUCD, which carried him to political victory. The committee has no official name and authority. It could only provide guidance on the basis of a set of criteria. Not that controversial at this point of the game. Moreno did not pass the grade, while Grace Poe excluded herself. Both are not acceptable to the democratic constituency.

***

MAG-UUMPISA sa Marso ang commercial operations ng Dito Telecommunity, o DitoTel, ang kumpanya sa telekomunikasyon na lalaban sa duopoly ng PLDT Group at Globe Telecom. Matatapos ang technical audit sa kakayahan ng DitoTel sa buwan ng Pebrero at sa susunod kaagad ang commercial operations.

Mukhang isa lang ang kalalabasan ng technical audit. Makakalusot ang DitoTel sapagkat mga kasapakat ni Rodrigo Duterte ang umuugit ng Department of Information and Communications Technology (DITC). Hindi papayag ang DITC na maatraso ang plano ng DitoTel.

Hindi namin alam kung paano lalaban ang DitoTel sa PLDT Group at Globe Telecom. Lampas 11,000 ang cell sites ng dalawang kumpanya sa telekomunikasyon, samantalang wala pang 2,000 ang cell sites ng DiToTel. Karamihan sa cell sites ay nasa loob ng kampo ng mga sundalo. Hindi naming alam kung paano makakapagbigay ng mahusay na serbisyo ang DitoTel sa 37% ng populasyon ng bansa. Mukhang imposible.

Makakalaban lamang ang DitoTel kung gagawin ang ginawa ng Digitel noong 2000. Ibinagsak ang presyo ng serbisyo at nagkaroon ng matinding kumpetisyon ang PLDT and Globe sa Digitel. Ibinagsak nila ang kanilang presyo bilang ganti sa bagong pasok na kumpanya. Nagkaroon ng matinding price war, o digmaan sa presyo. Totoong nakinabang ang mga consumer sa price war. Gawin kaya ito ng DitoTel sa madaling hinaharap?

***

QUOTE UNQUOTE: “We couldn’t help but compare notes. My sister in England, a cousin IN the U.S., and a niece in the U.S. all told me they had their vaccines. Another sister in Indonesia said they were given government-issued, China-made vaccines but she had rejected them. When they asked me, I couldn’t say anything but blame the madman. We don’t have any vaccine here. The madman wants us to have the Chinese vaccine, but we don’t like its efficacy and price. Besides, the vaccine is nowhere in sight. That’s all I can say. Naaawa naman ako sa sarili ko.” – PL, netizen

The post Masyadong huli appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Masyadong huli Masyadong huli Reviewed by misfitgympal on Pebrero 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.