Facebook

Community wi-fi inilunsad ng DHSUD

BAHAGI sa selebrasyong 2nd Anniversary ng DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENTS AND URBAN DEVELOPMENT (DHSUD) ay seserbisyuhan na ang mga government housing project ng community wi-fi bilang katulungan para sa progresong pangkomunikasyon.

Bunsod nito ay nagkaroon ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng DHSUD na pinangangasiwaan ni SECRETARY EDUARDO DEL ROSARIO at ng ALPHA-3 TECHNOLOGIES na nirerepresenta naman ni EXECUTIVE OFFICER KRISTIN BANGOT gayundin ng iba pang partner-service providers tulad ng NATIONAL HOUSING AUTHORITY (NHA) at SOCIAL HOUSING FINANCE CORPORATION (SHFC).

Ang naturang proyekto ay inaasahang makapagbibigay ng bandwidth na hanggang 100 mbps per household sa mga piling relokasyon na garantisado umanong 99.99% uptime ang network.

“This pact is part of the government efforts in providing Filipino families with modern housing communities nationwide equipped with necessary infrastructure facilities including information technology. This undertaking is another proof that great things can be achieved through effective partnership between the government and private sector” pahayag ni SEC. DEL ROSARIO.

Sa naturang anibersaryo ay pinangunahan ni DEL ROSARIO ang naging panunumpa ng mga opisyal ng ORGANIZATION OF THE SOCIALIZED AND ECONOMIC HOUSING DEVELOPERS OF THE PHILIPPINES (OSHDP) na kapuwa nagpahayag ng commitment sa proyekto sina OSHDP CHAIRMAN MARCELINO MENDOZA at PRESIDENT PAOLO GIOVANI OLIVARES.

“The OSHDP has been pivotal in ensuring the housing and real estate industry’s resiliency. We at DHSUD are proud to have them as a partner in serving the Filipino people,” saad ni DEL ROSARIO kasunod ang panawagan nito na mapalakas ang kampanya laban sa real estate scammers at maprotektahan ang interests ng bawat homebuyers at housing stakeholders partikular ang legitimate sellers at real estate developers.

3 ENGINEER STUDENT
GUMAWA NG KASAYSAYAN!

Nitong February 21 ala-1:36 am Philippine Standard Time ay habampanahong nakaukit na sa kasaysayan ng SPACE SCIENCE sa ating bansa ang naging paglulunsad ng country’s second cube satellite na tinaguriang Maya-2 CubeSat na nilikha ng 3 Filipino student engineers.

Ang Maya-2 CubeSat ay inilunsad sa pamamagitan ng International Space Station kasama ng Paraguay’s GuaraniSat-1 CubeSat at ng Japan’s Tsuru CubeSat para sa BIRDS 4 Satellite Project – Kyu Tech aboard the Nirthrop Grumman CRS-15 mission.

Ang Maya-2 CubeSat team ay binubuo nina BIRDS-4 PROJECT MANAGER IZRAEL ZENAR BAUTISTA na nagtapos ng MS ENERGY ENGINEERING sa UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES DILIMAN; BIRDS-4 PROJECT MEMBER MARK ANGELO PURIO na nagtapos ng MS ELECTRONIC ENGINEERING sa DELA SALLE UNIVERSITY at MA in EDUCATION sa ADAMSON UNIVERSITY; at si BIRDS-4 PROJECT MEMBER MARLOUN SEJERA na nagtapos ng MS IN ELECTRONICS AND COMMUNICATIONS ENGINEERING sa MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY.

Ang naturang mga space engineers ay sumasailalim sa kanilang DOCTORAL DEGREES sa SPACE SYSTEMS ENGINEERING AND SPACE ENGINEERING sa KYUSHU INSTITUTE OF TECHNOLOGY.., na ayon kay DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY (DOST) SECRETARY FORTUNATO DELA PEÑA, ang Maya-2 ay ang pang-4 satellite ng ating bansa na inilunsad sa pamamagitan ng International Space Station. Ang Diwata 1 at 2 na kapuwa microsatellites ay inilunsad noong March 23, 2016 at October 29, 2018 at ang Maya-1 ay inilunsad naman noong June 29, 2018.

“The succeeding micro satellites Diwata-3 and Diwata-4 and succeeding nanosatellites are now in various stages of development, now done completely in the Philippines,” pahayag pa ni DELA PEÑA.

***

Mula sa ARYA TEXTER… PAGING BJMP MANILA CITY JAIL…

Hi gd am.pho concern ko lang po sana kung puwede.., bakit talamak ang kontrabando sa Manila City Jail, paano nakakapasok diyan po kase galeng din ako sa loob., kakalaya ko lang po.., tulad ng drugs, sigarilyo, tabaco. tapos bawat brigada may sugal.. alam ng mga mayores po kaya yung mga preso wlang ginawa kung hinde mangutang baon sila sa utang po.., paki- kalampag po sila.., huwag niyo ipablis ang number ko salamat po.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Community wi-fi inilunsad ng DHSUD appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Community wi-fi inilunsad ng DHSUD Community wi-fi inilunsad ng DHSUD Reviewed by misfitgympal on Pebrero 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.