Facebook

LYCEUM DEAN, NA NAMAN!

MAY panibago na namang reklamo laban sa dekano ng Lyceum International Maritime Academy (LIMA) sa Batangas City. Hindi na yata talaga matatapos ang mga katarantaduhan sa naturang akademya?

Si Dean Alexander A. Gonzales, tagapamahala ng LIMA sa Brgy. Cuta, Batangas City ay tinutuligsa na naman ng mga student cadet at ng mga magulang ng mga ito sa hinalang gumigimik na naman ang naturang dekano para sila ay pagkitaan ng daang libo ng salapi.

“ Sino po ang hindi maniniwalang walang anomalya sa pakanang ito ni Dean Gonzales gayong nire-require kami na sumailalim sa medical examination at ang pagsusuri kuno ay pwede lamang gawin sa rekomendado niyang medical clinic na nasa Sto Tomas City, Batangas. Kinakailangan pong mayroong referral letter si Gonzales bago kami magtungo doon”, ang sumbong ng mga naturang mag-aaral at magulang nang dumulog sa SIKRETA may ilang araw pa lamang ang nakararaan. Paniniwala nila ay isa na namang malaking kabalbalan ito at pamamaraan ng dekano para sila ay makotongan kahit sa panahon ng pandemya.

“Paki-kalampag naman po sa CHED- Marina at Commission on Higher Education tungkol sa mga mga kabulastugang ito ni Gonzales. Grabe na ang perwisyo sa amin at sa aming mga magulang sa mga ginagawang ito, limpak-limpak na namang salapi ang kanyang makukurakot?”, pagdidiin ng isa sa naturang estudyante

Batay pa din sa kanilang ulat, ang mga student cadet na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Marine Transportation (BSMT) at Marine Engineering na nasa kanilang ikatlong taong pag-aaral sa LIMA sa darating na Mayo 2021 ay nararapat na sumailalim sa Basic Training (BT) bilang bahagi ng academic curriculum ng nasabing mga kurso.

Gaganapin ang mga pagsasanay sa loob mismo ng sariling training center ng akademya. Ngunit bago payagang lumahok sa mandatory training ay kinakailangang ang bawat kadete ay makapasa sa medical examination.

Ayon pa rin sa mga nabanggit na kadete ang nasabing BT ay kinapapalooban ng pag-apula ng sunog sa isang bahagi ng barko, pagtalon sa swimming pool para mahasa ang kasanayan at iba pa.

Anila kailangan lang ay naman ay makunan sila ng blood pressure at ilan pang uri ng eksaminasyong pisikal at hindi isang “seafarers standard medical examination for employment” at pwede namang isagawa mismo ng LIMA school nurse sa araw ng aktuwal na pagsasanay.

Dito na naman pumasok ang “talinaw” (talino at linaw) sa pagkakakitaan ni Gonzales, ayon pa sa hinaing ng naturang mga estudyante at mga magulang.

Iniutos diumano ni Gonzales na walang student cadet ang papayagang sumailalim sa BT hangga’t hindi nasusuri sa UNIMED Medical Clinic na nasa Sto Tomas City, Batangas.

Kailangan pa na bago sila magtungo sa nasabing medical clinic ay taglay nila ang pirmadong referral ni Gonzales. Kaya malaki ang kanilang suspetsa na nangungumisyon si Gonzales sa management ng nasabing clinic?

Ang pinakamasaklap pa ay sinisingilan ang mga nasabing mag-aaral ng halagang Php 350 kada isa bilang medical examination fees, gayong higit na mababa ang singil sa ibang Medical Laboratory.

Ayon pa sa mga nasabing estudyante tuwing enrollment ay nagbabayad na sila sa LIMA registrar ng medical fee ngunit hindi naman nila ito napapakinabangan.

“Ito na po ang tamang panahon para magamit at mapakinabangan namin ang aming ibinabayad na medical fee sa LIMA na simula’t-sapul ay binabayaran namin tuwing kami ay nagsisipag-enroll,hindi na dapat na mangingibabaw ang pagiging ganid at gahaman sa salapi ni Gonzales”, ang pagdidiin pa ng mga nasabing mag-aaral.

Sang-ayon din sa kanila, inirekomenda din ni Gonzales sa mga domestic ship na nagbibiyahe sa Batangas City Port at Mindoro na karamihan ay mga Roll-on, Roll -off vessel (RORO) para doon sila sumailalim sa On the Job training (OJT).

Ngunit sa halip na ang mga student cadet ang susuwelduhan o kaya ay pagkalooban ng training allowances ay ang mga ito pa ang magbabayad ng onboard training fees.

“Bakit kami ang magbabayad sa aming onboard ship training, kami na nga ang magseserbisyo, di ba dapat kami ang bayaran kahit pa nga kami ay mga trainees lamang , mukhang nangangamoy na namang anomalya ang bitbit ng aming bulastog na dekano”, anang isa pa sa mga student cadet na nagsiwalat ng kabalbalan ni Gonzales.

Sang-ayon pa sa mga estudyante ay pinangakuan sila ni Gonzales nang magsisimula pa lamang silang sumailalim sa in-house policy ng LIMA noong 2019 na makatitiyak ang mga ito na magkakaroon na sila ng kani-kanilang barko na masasakyan bilang bahagi ng kanilang onboard ship training ngunit kasinungalingan pala lamang.

Hinala ng mga nabanggit na mag-aaral ay may kutsabahan sa pagitan ni Gonzales at shipping companies management at mga crewing managers o di kaya ay mga shipboard training officers nito?

May ilang buwan pa lamang ang nakaraan ay ibinunyag din na kadawit ni Gonzales sa paggawa ng maraming pagkaka-perahan. Kadawit nito, ang isa sa dalawa niyang kalaguyong empleyada.

Sa kabila ng lahat, wari ay wala pa ring kamuwang-muwang ang CHED-MARINA, Comission on Higher Education at ang may-ari ng LIMA na si Peter Laurel.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com

The post LYCEUM DEAN, NA NAMAN! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LYCEUM DEAN, NA NAMAN! LYCEUM DEAN, NA NAMAN! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.