Facebook

Tanggalin ang “PNP clearance” sa pagbyahe

NAPAKAHIGPIT pa rin hanggang kasalukuyan ang pagbiyahe mula sa National Capital Region (NCR) patungong mga lalawigan.

Kailangan pa ng “clearance”, o “permission to travel” na manggagaling sa Philippine National Police (PNP) bago makabiyahe.

Kung wala nito, malabong makauwi ng probinsiya.

Bago magbigay ng clearance ang PNP, kailangang mayroon kang sertipikasyon mula sa doktor ng Baranggay Center na nagsasabing maaaring bumiyahe ang isang tao.

Kung mataas ang blood pressure, o blood level sugar, ay malabong magbigay ng sertipikasyon ang doktor sa Barangay Center.

Dahil diyan, hindi makauuwi ng lalawigan ang kaawaawang nilalang.

Hindi na rin siya makatutulong sa takbo ng ekonomiya.

Kapag bumiyahe, siguradong gagastos sa pamasahe, pagkain ar iba pa.

Kapag nasa probinsiya ka na, pihadong gagastos ka rin.

Kaya, patuloy kang makatutulong sa takbo ng ekonomiya.

Ngunit, kapag hindi ka pinayagang bumiyahe dahil ayaw ng manggagamot sa inyong barangay dulot nang takot niyang mayroong mangyaring masama sa taong mataas ang BP, o mataas ang asukal sa katawan, tiyak sa bahay ka mananatili, dahilan upang mabawasan ang tulong mo sa ekonomiya.

Naniniwala akong hindi na kailangan ng pahintulot ng manggagamot at permiso ng PNP upang makabyahe ang isang tao saan mang lalawigan na walang matindi at maraming kaso ng COVID – 19, kabilang na ang bagong United Kingdom variant.

Ang mahalaga sa mga taong bumabiyahe ay mayroong suot na face mask at face shield.

Mayroon siyang nakahandang alcohol at hindi siya pupunta sa mga mataong lugar.

Ibig sabihin, “very conscious” siyang huwag tamaan ng COVID – 19 kung napakahalaga pa sa kanya ng kanyang buhay.

Alam naman nating lahat na kamatayan ang pinakamasang mangyayari sa taong positibo sa COVID – 19.

Naniniwala akong kailangan pa ring pairalin ang lahat ng kinakailangang armas na panlaban sa COVID – 19 lalo pa’t hindi malaman kung kailangang ang eksaktong petsa ng pagdating ng bakuna sa ating bansa.

Ngunit kahit na dumating at naturakan na ang milyun-milyong Filipino, naniniwala akong kailangan pa rin ang mga panlaban sa virus tulad ng face mask at face shield.

Habang mayroon tayong mga sandata at ginagawang hakbang laban sa COVID – 19, higit akong naniniwalang kailangan nang ‘buksan’ ang ekonomiya nang dahan-dahan upang sumulong at makabangon na ang bansa sa susunod na mga buwan.

Sa kasalukuyan, tagilid na ang kalagayan ng ekonomiya ng ating bansa.

Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA), negatibong higit walong porsiyento ang gross domestic product (GDP) ng bansa nitong 2020.

Pinakamasahol ito mula nang sukatin ng pamahalaan ang antas ng ekonomiya ng bansa, sa pamamagitan ng GDP noong 1946.

Ang GDP ay panukat ng ekonomiya ng isang bansa.

Sa ksalukuyan, kasama sa bagsak na bagsak na ekonomiya ang milyun-milyong manggagawang Filipino na nawalan ng trabaho nitong 2020 batay na rin sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Tapos, nadagdagan ‘yan ng mahigit 133,000 nitong Enero ayon pa rin sa DOLE.

Inaasahan ng mga organisasyon ng mga manggagawa na magpapatuloy ang suliranin natin hinggil sa buwan-buwang tanggalan ng trabaho hanggang sa susunod na taon dahil walang malinaw na programa ang administrasyong Duterte upang lutasin ang nasabing suliranin.

Nakadikit sa problemang ito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, dahilan upang mabawasan ang kilo ng bibilhing produkto ng mga manggagawa kada araw.

Nakakapit din ang isa pang malaking problema natin na ang masyado nang mababa ang tunay na halaga ng ating suweldo.

Kaya, kung hindi luluwagan – uulitin ko – nang pautay-utay ang ekonomiya ay siguradong aabot tayo sa yugto na nagkukumahog ang pinakamalaking bilang ng mamamayang Filipino sa pag-ahon mula sa makapal na burak ng kahirapan.

The post Tanggalin ang “PNP clearance” sa pagbyahe appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tanggalin ang “PNP clearance” sa pagbyahe Tanggalin ang “PNP clearance” sa pagbyahe Reviewed by misfitgympal on Pebrero 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.