SA harap ng panukala na ilagay na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila mula sa general community quarantine (GCQ) status, iginiit ni Christopher “Bong” ang kanyang posisyon na hanggang walang rollout ng COVID-19 vaccines ay hindi pa dapat magrelaks ang publiko dahil napakadelikado pa aniya ng sitwasyon.
“Para sa akin, personally, bakuna first. Bakuna first. Vaccine rollout first bago ninyo buksan… Vaccine rollout first bago natin luwagan ang ating ekonomiya,” sabi ni Go sa panayam matapos niyang personal na daluhan ang groundbreaking ceremony ng Northeastern Misamis General Hospital sa Villanueva, Misamis Oriental.
Ayon kay Go, ang sitwasyon sa bansa ay nananatiling mapanganib hanggang hindi naiimplementa ang rollout ng COVID-19 vaccines.
“Dahil delikado pa po ang panahon. Importante po ang buhay ng bawat Pilipino. Ulitin ko, ang pera po ay ating kikitain. Pero ‘yung perang kikitain po natin ay hindi po nabibili ang buhay,” ani Go.
“Kaya importante sa akin ang kalusugan, buhay ng bawat Pilipino bago natin unti-unting luwagan,” dagdag niya.
Ilang opisyal ng pamahalaan ang nagpanukala na ilagay na hindi lang ang Metro Manilam, kundi ang buong bansa sa less restrictive MGCQ para mabuhay ang ekonomiya.
Kapag naging relaxed ang community quarantine, ilang industriya ang papayagan nang magbukas para sa negosyo.
Pabor ang Metro Manila Council sa nasabing proposal, kung saan ay siyam na mayors ang payag sa MGCQ, at walo ang nagsabing panatilihin ang GCQ status.
Kasunod nito’y ilang Metro Manila mayors at ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, ang nagkasundong irekomenda na ilagay ang buong bansa sa ilalin ng MGCQ sa March pero kinakailagan pa ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Go, pabor siya na i-relaxed ang quarantine protocols kung ang proposal ay masusing pinag-aralan at ang national vaccine program ay nakalatag na.
“Pag-uusapan ni Pangulong Duterte with the cabinet kung papayagan nilang luwagan na at gawin na pong MGCQ po ang buong Metro Manila o buong bansa,” aniya.
“Pero para sa akin, rollout first before natin luwagan ang ating quarantine restrictions. Remember, importante po ang buhay ng bawat Pilipino. Period,” ayon sa senador. (PFT Team)
The post ‘Bakuna first, ‘wag muna magrelaks’ — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: