Facebook

Maynila, nangunguna sa NCR sa bakuna kontra tigdas — Isko

LABIS na ikinararangal at ipinagpapasalamat ni Manila Mayor Isko Moreno ang pangunguna ng kabisera ng bansa sa buong National Capital Regioin (NCR) pagdating sa pagbabakuna kontra tigdas kung saan nakapagtala ito ng 94 percent completion sa maagang panahon.

Pinasalamatan din ng alkalde ang Department of Health (DoH) na kinilala ang mga ginagawa ng pamahalaang lokal ng Maynila pagdating sa kampanya kontra tigdas sa pamamagitan ng matagumpay na programa sa pagbabakuna.

“I thank and am so proud of our health personnel led by our tireless Vice Mayor Honey Lacuna and Manila Health Department chief Dr. Arnold ‘Poks Pangan for their efforts and dedication to duty,” sabi ni Moreno.

Idinagdag pa nito na : “Mapalad ako sa Vice Mayor ko na mahal na mahal ang ating lungsod at laging nagpa-participate.. I am so proud of our health personnel na isinasapuso ang paglilingkod sa kanilang mga kababayan sa lungsod,” ayon sa alkalde.

Ayon kay Moreno, sa loob lamang ng wala pang 10 araw, ang pamahalaan ay nakapagbakuna na ng mahigit sa 127,000 children, at ito ay hindi inaasahan.

Ang kampanya na tinawag na ‘Tsikiting Ligtas,’ ay ginagamit din ng lokal na pamahalaan bilang simulation sa paghahanda sa pagdating ng COVID-19 vaccines.

Sinisikap ng lungsod, ayon pa kay Moreno na matapos nang maaga ang pagbabakuna kontra sa tigdas, upang masentro na ang atensyon ng pamahalaang lungsod sa COVID-19 vaccination program na inaasahan na maisasagawa ng mas maaga.

Samantala mula pa ng 2 a.m. ng February 20, ang electronic data processing head na si Fortune Palileo ay nag-ulat sa alkalde na mayroong ng 88,747 na mga indibidwal ang nagparehistro sa Manila Vaccination and Immunization app, https://ift.tt/3nQ5c8v.

Ang bilang ng mga indibidwal na ito, ayon kay Moreno ang siyang uunahing bakunahan kasama ng mga health workers kapag dumating na ang bakuna. (ANDI GARCIA)

The post Maynila, nangunguna sa NCR sa bakuna kontra tigdas — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Maynila, nangunguna sa NCR sa bakuna kontra tigdas — Isko Maynila, nangunguna sa NCR sa bakuna kontra tigdas — Isko Reviewed by misfitgympal on Pebrero 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.