Facebook

Kompensasyon para sa mga magbababoy na apektado ng ASF pinatataasan

UMAPELA si House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga sa pamahalaan na taasan ang kompensasyon para sa mga hog producers at raisers na apektado ng African Swine Fever (ASF).
Kasunod ito ng apela ng Pork Producers Federation of the Philippines (ProPork) sa gobyerno na gawing P10,000 ang bayad danyos sa bawat baboy na nagkasakit ng ASF.
Sa kasalukuyan ay nagbabayad ang Department of Agriculture ng P5,000 sa bawat baboy na may ASF o isasailalim sa culling para mapigilan ng tuluyan ang pagkalat ng virus.
Ayon sa kinatawan, higit ngayong kailangan ng local swine industry ng tulong matapos na makapasok sa bansa ang ASF noong 2019 na nagresulta sa pagsasara ng maraming hog farms at pagtigil ng negosyo ng mga backyard raisers.
Hiling ng Quezon representative sa DA na bumuo ng isang ‘win-win solution’ para tulungan ang local producers na buhayin ang kanilang operasyon upang matiyak ang naman ang sapat nasuplay ng baboy sa pamilihan. (Henry Padilla)

The post Kompensasyon para sa mga magbababoy na apektado ng ASF pinatataasan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kompensasyon para sa mga magbababoy na apektado ng ASF pinatataasan Kompensasyon para sa mga magbababoy na apektado ng ASF pinatataasan Reviewed by misfitgympal on Pebrero 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.