Facebook

DOH: 18 pang bagong kaso ng UK variant naitala

LABING-WALO pang karagdagang kaso ng B.1.1.7 variant o UK variant ang natuklasan ng Department of Health (DOH), University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at UP-National Institutes of Health (UP-NIH) mula sa ika-pitong batch ng 757 samples na na-sequenced ng UP-PGC nitong February 18 dahilan para umabot na sa 62 ang UK variant.
Iniulat din ng DOH, UP-PGC, at UP-NIH na ang karagdagang sample mula sa Region 7 na kabilang sa huling (6th) genome sequencing batch ay natagpuan na mayroong N501Y at E484K mutations, habang ang 2 sa 80 na sample ng Region 7 na sumunod sa ika-7 batch ay natagpuan din na may parehong pag-mutate kaya nasa kabuuan nang 34.
Ang 13 kaso ng (B.1.1.7 ay mga Returning Overseas Filipinos (ROFs) na pumasok s abansa sa pagitan ng January 3 hanggang 27, 2021.
Lahat ng kasong ito ay na-itag bilang recovered at ang DOH ay kasalukuyang iniimbestigahan ng DOH ang pagsunod sa mga isolation protocol at pag-trace ng contact ng ginawa para sa mga ROF na ito.
Tatlo sa kaso ng B.1.1.7 ay mula Cordillera Administrative Region, 2 rito at kapwa 12 taong gulang na konektado sa orihinal na cluster mula Samoki, Bontoc, Mountain Province.
Ang pangatlong kaso ay isang 41-anyos na babae mula sa La Trinidad cluster. Lahat ng 3 kaso ay na-tag na recovered at lahat ng close contacts ay nakakumpleto na ng quarantine kasunod ng agarang contact tracing at isolation upang mapigilan ang transmission sa Bontoc at La Trinidad clusters.
Sa kabilang banda,dalawang kaso ay kasalukuyang biniberipika pa kung ito ay local cases o Returning Overseas Filipinos.
Maglalabas naman ang DOH ng karagdagang impormasyon hinggil dito sa sandalling available na. (Jocelyn Domenden)

The post DOH: 18 pang bagong kaso ng UK variant naitala appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DOH: 18 pang bagong kaso ng UK variant naitala DOH: 18 pang bagong kaso ng UK variant naitala Reviewed by misfitgympal on Pebrero 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.