Facebook

Covid update: 9,737 gumaling; 20 nasawi; 1,888 bagong kaso

UMAKYAT na sa 522,843 ang kabuuang bilang ng recoveries mula sa sakit na Covid-19 matapos makapagtala ngayong araw ng karagdagang 9,737 mula sa weekly Oplan Recovery ng Department of Health (DOH).
Bunsod nito, nasa 26,238 na lamang ang aktibong mga kaso o mga ginagamot pa sa mga quarantine facility o hospital.
Sa kabila nito, nakapagtala pa rin ng 1,888 na bagong kaso ngayong araw dahilan para maging 561,169 na ang kabuuang kaso sa bansa.
Ang pumanaw naman ay nadagdagan din ng 20 kaya umabot na sa 12,088 ang namamatay sa sakit.
Sa inilabas na update ng DOH, muling pinaalalahanan ang publiko na sa kabila ng ating pagtupad sa minimum public health standards, ay isulong din ang malusog na diet at pagiging aktibo.
Paigtingin din ang implementastyon ng minimum public health standards upang maiwasan ang paglawak ng transmission ng mga variants ng Covid-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

The post Covid update: 9,737 gumaling; 20 nasawi; 1,888 bagong kaso appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid update: 9,737 gumaling; 20 nasawi; 1,888 bagong kaso Covid update: 9,737 gumaling; 20 nasawi; 1,888 bagong kaso Reviewed by misfitgympal on Pebrero 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.