NAPAKARAMING matatapang umatake sa social media pero peke naman ang kanilang account at profile picture.
Tulad lamang ng mga nanlalait kay Vice President Leni Robredo, napakatatapang mag-post ng mga brutal na sa-lita, peke naman ang kanyang account at ‘di maipakita ang tunay na anyo.
Para magkaroon ng katuturan ang komento at post, dapat panindigan mo. Ibandera mo kung sino ka, ang tunay mong pagkatao at anyo sa social media account mo, ‘di ‘yung nagtatago ka sa mga pekeng pangalan at mukha. Karuwagan ito. Lumalabas na ‘di mo kayang tayuan ang mga tirada mo kasi walang katotohanan at walang kabuluhan. Right?
Ganun din ang mga bumabatikos sa mga opisyal ng gobyerno paritular kay President Duterte, kung may katotohanan ang sinasabi mo, bakit ka magtatago sa pekeng pangalan at mukha sa social media account mo?
Ang mga pekeng social media account na bumabatikos sa sinumang opisyal ng gobyerno ay walang bilang, ‘di dapat pansinin, ‘wag paniwalaan. Bakit? Eh siya nga mismo walang tiwala sa sarili n’ya, takot magpakilala. Kasi walang katotohanan mga pinagsasabi n’ya. Mismo!
***
Inaprubahan na ng Food and Drug Authority (FDA) ang Sinovac Covid-19 vaccine para magamit sa emergency.
Pero hindi nito inirerekomdenda ang pagturok sa healthcare workers. Mababa raw kasi ang efficacy rate, 50.4 percent lamang. Kaya ‘di ito rekomendadong gamitin para sa grupong ito.
Kung ito’y ‘di puede gamitin sa frontliners, kanino lang kaya ito puede iturok? Baka sa DDS? Puede! Hehehe…
***
Wala na yata may gustong tumakbong presidente sa 2022?
Sabi ng Presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, sa 2034 pa siya tatakbo sa pagkapangulo. Pero kalat na ang kanyang “Run Sara, Run” tarpaulins sa buong bansa.
Ayon naman sa “kanang kamay” ni Pangulong Duterte na si Senador Bong Go, wala siyang plano sa 2022.
Nang tanungin naman si Vice President Leni Robredo, sinabi niyang mas gusto niyang bumalik sa lokal (kongresista, gobernador o mayor) sa CamSur.
Si Senador Manny Pacquiao naman ay ayaw pang magsalita, gayundin si Sen. Grace Poe.
Sa nalalabing pitong buwan para sa filing ng Certitificate of Candidacy (CoC), wala pang nagdedeklara para sa pagtakbong presidente ng bansa.
Napakabigat kasing problema ang mamanahin ng su-nod na pangulo: Pagkabaon sa utang ng Pilipinas, bagsak na ekonomiya, 10 million jobless, matataas na presyo ng mga bilihin, problema sa West Philippine Sea, droga, korapsyon, etc…
Dapat ang sunod na pangulo ay ekonomista tulad noon ni GMA, may vision tulad ni Ramon Ang, matapang tulad ni Trillanes, may political will tulad ni Vico Sotto, at healing President tulad ng nais ni Isko Moreno.
Dapat kombinasyon ng pagkatao nila ang maluklok sa Palasyo ng Malakanyang, ‘di ‘yung nangangako ng 3-6 months, nang-aaway at sipsip sa ibang lider sa mundo na tila sira-ulo. Mismo!
The post Matapang mag-post, peke naman ang social media account appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: