NAITALA ang pinakamababang temperatura sa Kamaynilaan,19.3 degrees celcius, nitong Linggo.
Ito na ang pinakamalamig na temperatura mula nang magsimula ang amihan noong Oktubre 2020.
Ayon sa PAGASA, lumamig ang hangin na nararanasan dito sa Pilipinas dahil sa natutunaw na yelo mula sa mainland China.
Bukod sa Metro Manila ay naranasan din ang malamig na temperatura sa Tanay, Rizal, nasa 16.5 degrees celcius.
Naranasan naman sa Laoag, Ilocos Norte ang 16.8 degrees celcius, habang ang pinakamalamig ay naitala sa Benguet, nasa 7.9 degrees celcius.
Sinabi ng PAGASA na posibleng tumagal pa hanggang sa ikalawang linggo ng Marso ang tag-lamig.
The post 19.3 degrees celcius, naitala sa Metro Manila appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
19.3 degrees celcius, naitala sa Metro Manila
Reviewed by misfitgympal
on
Pebrero 22, 2021
Rating:
Walang komento: