HANDANG magpaturok si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ng bakuna na Sinovac ng Beijing-based biopharmaceutical company.
Kasunod ito ng pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA) sa Emergency Use Authorization (EUA) ng naturang bakuna.
Agad na nagpatawag ng pagpupulong ang alkalde kasama ang buong Manila City Council (MCC) sa pangunguna ni Vice Mayor “Honey” Lacuna-Pangan upang ihayag ang kanyang kahandaan para sa roll out ng unang bakuna na available sa lungsod .
“Anuman ang bakuna, basta sertipikado at may EUA ng FDA, gagamitin natin. May karapatan kayong maging choosy. Pwede kayo maghintay ng bakunang type ninyo. Pero para sa akin, basta may EUA gagamitin po natin, ” ayon sa alkalde. (Jocelyn Domenden)
The post Mayor Isko handa magpakauna ng Sinovac appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: