![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2021/02/martilyo.jpg)
DAHIL sa selos, minartilyo sa ulo ng isang mister ang kanyang misis sa Kabankalan City, Negros Occidental.
Kinilala ang biktima na si Delbeth Laurente, 40 anyos;samantalang ang salarin ay ang mister nitong si Saler Laurente, 44, mga residente ng Sitio Lucay Dos, Barangay Camingawan, Kabankalan City.
Ayon kay Police Lt. Jomel Salarda, deputy chief ng Kabankalan City Police, nagising na lamang ang mga anak na duguan ang kanilang ina habang umiiyak naman sa labas ng bahay ang kanilang ama.
Dinala ni Saler ang kanyang mga anak sa bahay ng kanyang kapatid na babae at doon ito nagkuwento na kanyang napatay ang misis sa pamamagitan ng paghampas ng martilyo sa ulo nito.
Sa tulong ng mga barangay tanod, naturn-over sa pulisya ng Kabankalan City ang salarin.
Bago ang insidente, nagseselos si Saler dahil naniniwala ito na may ibang lalaki ang kanyang misis.
Nitong nakaraang araw, iginiit ng salarin na may lalaking naghihintay sa labas ng kanilang bahay na itinanggi naman ng biktima.
Ayon sa kanilang mga anak, ilang araw nang hindi kumakain ang kanilang ama at palaging umiinom ng alak.
Inihahanda na ang kasong Parricide laban kay Saler.
The post Mister minartilyo sa ulo si misis, patay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: