![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2021/02/ambush-1.jpg)
PATAY ang isang construction foreman at sugatan ang kanyang misis at anak sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang nasawi na si Henry Dorig, 50 anyos; sugatan naman ang kanyang asawa na si Venus at anak na si Mikaela, mga residente ng Barangay Poblacion, Pikit, North Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director, Colonel Henry Villa, lulan ang mga biktima ng Toyota Avanza (LGA-469) at habang binabaybay ng sasakyan ang national highway sa Barangay Poblacion sa harap ng municipal plaza pauwi ng kanilang tahanan mula sa palengke ay dinikitan ito ng riding in tandem at pinagbabaril ng kalibre.45 pistola.
Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng walang plakang motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.
Naisugod ang mga biktima ng mga nagrespondeng pulis sa Cruzado Medical Hospital ngunit binawian ng buhay ang ama na nagtamo ng apat na tama ng bala sa kanyang katawan.
Ligtas naman ang mag-ina na inilipat sa isang pagamutan sa Kidapawan City.
Blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaril sa mga biktima.
The post Construction foreman patay, misis at anak sugatan sa pamamaril appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: