Facebook

Mister huli ni misis nakapatong sa kabit

NASA kasagsagan ng mainit na romansahan at pagbayo ni mister sa kanyang kalaguyo nang maaktuhan sila ng kanyang misis sa isang boarding house sa Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela.
Itinago sa pangalang Cris, 26, ang inarestong mister na isang helper; at ang kalaguyo na si Lhea (di tunay na pangalan), 35, kapwa residente ng Benito Soliven, Isabela.
Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang 45-anyos na misis na itinago sa pangalang Mitch na ang kanyang mister at kalaguyo nito ay nagsasama sa isang boarding house .
Agad sumangguni ang ginang at kanyang mga kamag-anak sa pulisya para humingi ng tulong at nagtungo sa inuupahang bahay ng magkalaguyo.
Nakiusap pa si Mitch na kung maaari pag-usapan na lamang sa barangay ang kanilang problema, subalit naaktuhan niya na magkapatong pa na hubo’t hubad sina Lhea at Cris.
Agad dinakip ang mga magkalaguyo na nakatakdang sampahan ng kasong adultery o pakikiapid.(Rey Velasco)

The post Mister huli ni misis nakapatong sa kabit appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mister huli ni misis nakapatong sa kabit Mister huli ni misis nakapatong sa kabit Reviewed by misfitgympal on Pebrero 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.