![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2021/02/dacera.jpg)
NAGSAGAWA ng joint examination ang PNP at NBI sa kaso ng kontrobersiyal na pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Alas-10:00 ng umaga nitong Miyerkules, nagtungo sa Camp Crame ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation para magsagwa ng joint examination kaugnay sa naturang kaso.
Mismong si NBI Spokesperson Ferdinand Lavin ang nagkumpirma nito.
Wala namang ibinigay na detalye si Lavin kung ano ang mga natalakay sa pagpunta nila sa Crame.
Bago ito, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mag-uusap muna ang NBI at PNP bago maglabas ng kumpletong resulta ng imbestigasyon ang NBI.
Matatandaan na sa ginawang report ng PNP sa bangkay ni Dacera, nakumpirma na ‘ruptured aortic aneurysm’ ang ikinamatay ni Dacera at hindi ‘homicide’ ang nangyari sa dalaga.
Nakalagay din doon na lumaki sa 500 gm ang puso ni Dacera mula sa normal na 300 gm at walang indikasyon na ginahasa ito.
Pero duda dito ang pamilya ni Dacera at hindi kinilala ang report ng PNP.
The post PNP at NBI nagsagawa ng joint examination sa kaso ni Dacera appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: