Facebook

Covid update: 271 gumaling; 53 nasawi; 1,184 bagong kaso

NAKAPAGTALA ng 1,184 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules, Pebrero 17.
Samantala ay mayroon namang naitalang 271 na gumaling at 53 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.4% (29,814) ang aktibong kaso, 92.5% (512,033) na ang gumaling, at 2.09% (11,577) ang namatay.
Sa nalalapit na rollout ng vaccination program, laging paalala ng DOH na kahit nabakunahan na kontra COVID-19 ay huwag pa rin magpakampante dahil maari pa rin magkasakit bagama’t hindi naman ito mauuwi sa pagkaka-ospital.
Anumang variant o mutations ng COVID-19 ay laging isa-isip ang mga pag-iingat laban sa naturang sakit. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

The post Covid update: 271 gumaling; 53 nasawi; 1,184 bagong kaso appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid update: 271 gumaling; 53 nasawi; 1,184 bagong kaso Covid update: 271 gumaling; 53 nasawi; 1,184 bagong kaso Reviewed by misfitgympal on Pebrero 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.