![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2021/02/f2.jpg)
Kahon-kahong Chinese medicine, face mask at face shield ang ipinagkaloob na donasyon ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa opisina ng Public Attorneys Office bilang tulong sa mga empleyado nito partikular na ang tinamaan ng COVID-19.
Itinurn-over ni FFCCCII External Committee Chairman Nelson Guevarra kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta ang may 180 kahon ng LianHua Qingwei supplement, mga face mask at face shield upang makatulong sa mga empleyado ng PAO lalo na ang mga nagpapakita ng sintomas at may sakit na COVID-19.
Sinabi ni Guevarra na sakaling magpositibo sa Covid o symptomatic, iinum lamang ng apat na kaspsula pagkatapos kumai tatlong beses sa isang araw para sa apat na araw.
Kapag asymptomatic naman, dalawang kapsula (half dose) per meal naman iinumin.
“Kapag may nag-COVID positive at uminum ng LianHua gumagaling agad in a few days, normally in one week. Isang box nito may 48 capsules. FDA approve na din ito last year. Sa China ginagamit talaga ito lalo na noong kasagsagan ng COVID,” ani Guevarra.
Sinabi naman ni Acosta na ilang kasamahan na nila ang sumubok sa naturang gamot na may asthma at trangkaso na gumaling dito. Pero 2-3 days ang kanilang bowel movement pero normal lamang umano ito para mailabas ang virus sa katawan.
Nagpasalamat din si Acosta kay Guevarra dahil higit aniya na kailangan sa panahon ngayon ang kanilang donasyon.
“Yung iba namin na kasamahan na sumubok nito ay nawala ang kanilang toncilitis, ubo, sipon at lumakas pa ang kanilang katawan. Nakalalakas ito ng immunity” dagdag pa ni Acosta.
Tiniyak naman ni Guevarra na handa pa ring magbigay ang FFCCCIII sa PAO ng naturang gamut sakaling kailangan pa nila ito.(Jocelyn Domenden)
The post Chinese med, face mask at face shield, itinurn-over ng FFCCCII sa PAO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: