Facebook

Magkonsentreyt nalang si Marcos sa 2022

TALAGANG talo si Bongbong Marcos kay Leni Robredo sa kanilang laban sa pagka-Bise Presidente noong 2016.

Unanimous ang desisyon ng 15 mahistrado ng Korte Suprema na bumubuo sa Presidential Electoral Tribunal na naghimay sa election protest ni Marcos.

Si Robredo ay lamang ng 263,473 boto laban kay Marcos noon. Dineklara ng Comelec na ang una ang nanalo.

‘Di matanggap ni Marcos ang pagkatalo. Nagsampa siya ng election protest sa PET. Siya ang pumili ng mga lugar na i-recount dahil doon daw siya dinaya. Resulta: Talo!

Oo! Bale tatlong beses na ngayong tinalo ni Robredo si Marcos.

Una, tinalo ni Robredo si Marcos noong 2016 Election; pangalawa, tinalo niya sa recount; at pangatlo, tinalo niya sa Supreme Court ruling.

Sa pang-apat kaya? Baka matalo parin siya. Ang sakit noon pag nangyari.

Para makabawi si Marcos kay Robredo, burahin niya na sa kanyang isipan ang pagkatalo noong 2016. Paghandaan niya nalang itong 2022 Presidential election. Mismo!

Mayroon pang 15 buwan si Marcos para sa puspusang paghahanda para sa darating na halalan. Huwag na Bise Presidente ang kanyang takbuhin. Magsasayang lang siya ng oras at gastos sa posisyong ito. Kumbaga “spare tire” lang ang pagiging VP. Hindi naman siya katulad ni Robredo na masipag, halos walang pahinga sa pamamahagi ng ayuda sa mga nasalanta ng kalamidad kahit walang sapat na pondo ang tanggapan nito.

Isa pa, maraming sikat na politiko ang tatakbong VP, matatalo lang uli si Marcos. Presidente na ang kanyang targetin. Kalabanin niya na si Sara Duterte-Carpio o si Bong Go, alin man dito ang iendorso ni Pangulong Rody Duterte. Talo-talo na, ika nga. Yan ang politika eh. Hahaha…

Or… kausapin ni Marcos si Duterte na siya nalang ang iendorso at VP nalang alin kina Sara or Bong Go. Medyo mahirap ito pero PUEDE! Hehehe…

***

Chat sa akin ng batch ko sa college na si Aldrin Cardona, managing editor ng Daily Tribune, nag-uusap daw ang mga Marcos. Ayaw nang patakbuhin si Bongbong, si Imee nalang daw ang ikakasang Presidente.

Hmmm… kung si Imee ang tatakbong Presidente, hindi puede na babae rin ang kanyang Vice. Tiyak lalaki. Puede si Bong Go. Pero pang-presidente narin si Bong Go. Hindi ito papayag magpa-under kay Imee. Hehehe…

Kung si Sara naman ang iendorso ng kanyang erpat, at si Imee ay kakasa rin, tapos lalaban din si Manny Pacquiao, mahahati ang kanilang supporters na dati’y magkakasama nang makakuha ng higit 16 million votes si Duterte, matatalo sila kay Robredo na malamang siyang ibabandera ng ‘united opposition’. Mismo!

***

Sa pagkadeklara ng Korte Suprema na si Robredo nga ang nanalong Vice President noong 2016, lalong lumakas ang sigaw ng “Takbo Leni, Takbo”.

Sa mga survey nga raw ng Magdalo group ay malaki na ang itinaas ng rating ni Robredo, at patuloy naman ang pagbagsak ng rating ni Duterte.

Ito siguro ang dahilan kaya pawala na ang mga mambabatas na noo’y nagtatanggol kay Duterte.

Napansin nyo ba sina Senador Richard Gordon at Ping Lacson, panay na ang banat kay Duterte. Si Pacquiao naman never nang dumikit o marinig na binabanggit niya ang pangalang Duterte. Alam na!

The post Magkonsentreyt nalang si Marcos sa 2022 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Magkonsentreyt nalang si Marcos sa 2022 Magkonsentreyt nalang si Marcos sa 2022 Reviewed by misfitgympal on Pebrero 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.