![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2020/10/arestado13.jpg)
ARESTADO ang dalawang tulak ng illegal na droga kabilang ang itinuturing na top 3 level drug suspek ng Quezon City Police District station 3 Talipapa nang madakip sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Quezon City Police District station 3 Talipapa chief PLTCOL. Cristine Tabdi ang nadakip na suspek na sina Guandesha Sumayod, itinuturing na top 3 drug suspek ng Talipapa police; at Abdul Muker Alauya, kapwa residente ng Brgy. Bahay Toro, QC.
Ayon kay PLT. Marvin Pua hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Talipapa police nadakip ang mga suspek 1:00 ng madaling araw Pebrero 17, 2021 (Martes) Road 16 corner Road 19, Brgy. Bahay Toro, QC .
Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer na bibili ng halagang P1,200 na shabu at matapos iaabot ng suspek ang droga agad dinakip ng mga pulis ang mga suspek.
Nakuha mula sa mga suspek ang 5 gramo ng shabu na may street value na mahigit P30,000.
Ayon pa kay Pua, itinuturing si Sumayod na top 3 level drug suspek sa kanilang area of responsibility (AOR) sa Talipapa police.
Kasalukuyan ngayong nakapiit ang mga suspek at nahaharap sa kasong illegal drugs. (Boy Celario)
The post Top 3 level drug suspek ng QC police station 3 arestado appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: