![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2021/01/balyador.jpg)
HINDI sang-ayon ang mga alkalde ng Metro Manila sa muling pagbubukas ng mga sinehan.
Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, nakatakdang kausapin ng mga alkalde ang national government para sa nasabing desisyon na buksan ang sinehan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.
Paliwanag nito na matagal na mananatili sa loob ang mga manonood at walang sapat na ventillation.
Kapag mangyari aniya nito ay maaaring dumami pa ang bilang ng mga mahahawaan.
Wala na rin aniyang gumagawa ng mga pelikula dahil sa COVID-19 pandemic.
Paglilinaw nito na suportado niya ang hakbang ng gobyerno na buksan ang ekonomiya subalit gawin sana ito ng pakonti-konti.
Sinabi naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na maging ang ilang mga mall owners ay hindi ring sang-ayon sa pagbubukas ng mga sinehan.
Tanging ang sinehan lamang ang kanilang hindi sinasang-ayunan subalit ang ilang negosyo na nabanggit ng gobyerno na bubuksan gaya ng mga libraries, museums, cultural centers, conference, exhibitions at ilang tourist attractions ay kanilang sinusuportahan.
Magugunitang inihayag ng national government na simula Pebrero 15 ay bubuksan ang nasabing mga negosyo at gagawing 50 percent ang magiging kapasidad ng mga dadalo sa mga misa.
Samantala sang-ayon ang Metro Manila Council (MMC) na itaas ang seating capacity ng mga religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Una nang inanunsyo ng Inter-Agency Task Force (IATF) na itataas sa 50% ang seating capacity sa mga religious gatherings, simula ngayong araw ng Lunes, ika-15 ng Pebrero.
Ayon kay MMC chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, pabor ang Metro Manila mayors na itaas ang seating capacity gayung ‘open air’ naman ang mga simbahan dahilan para makontrol ang kontaminasyon ng virus.
Pero paalala ni Olivarez na dapat paring tiyaking masusunod at matututukan ang mga inilatad na minimum health protocols gaya na lamang ng pagsuusot ng face mask, face shield at physical distancing.
Gayundin sa paglalagay ng mga tauhan sa pintuan ng simbahan na kukuha ng body temperature ng mga papasok bukod pa sa pag-spray ng alcohol at pagsusulat ng health declaration form para sa contact tracing.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!
The post MMC Chairman Mayor Edwin Olivarez kontra sa pagbubukas ng mga sinehan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: