![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2021/01/double-tap.jpg)
PINAPUPURIHAN ng AirAsia ng pagsisikap nina Department of Transport (DOTr) Secretary Art Tugade at Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal para maisakatuparan ang rehabilitasyon ng Runway 13/31 sa Ninoy Aquino International Airport.
Ang pagpapasinaya sa nasabing runway ay naglalayong magbigay ng daan para sa mas maayos at episyenteng distribusyon ng COVID-19 vaccines. Sinusuportahan din nito ang muling pagbubukas ng mga tourist destinations sa nalalapit nang panahon.
Mahalaga ang bagay na ito habang kinokonsidera ng AirAsia ang mga improvements sa airport structures atfacilities bilang mahahalagang developments para mabigyan ang mga manlalakbay ng maayos na air travel at mga serbisyong kaakibat nito.
Bago magkaroon ng pandemya, palagiang ginagamit ng AirAsia ang NAIA Terminal 4 at Runway 13/31, na nagbunga naman ng kapuri-puring On Time Performance (OTP).
Sa kanyang mensahe sa seremonya ng pagbubukas ng bagong ayos at pinagandang runway, ito ang sinabi ni AirAsia CEO Ricky Isla: “The completion of the upgrade of runway 13/31 is very timely and beneficial in facilitating better air traffic at NAIA as we gear up for the largest humanitarian effort of transporting COVID-19 vaccines.”
“This will also aid domestic tourism as we increase our services to key summer destinations, expand connectivity across our islands, enhance networks, and provide greater opportunities for Filipinos, as we encourage our guests to RED-yscover the Philippines while promoting safe leisure travels.
Air travelers can be assured that AirAsia will remain committed to offer affordable flights, flexible services, and launch new routes which are all in support of the Department of Tourism as we aim to boost local economies.”
Bukod kina Tugade at Monreal, kasama na inagurasyon ang ilang matataas na opisyal ng gobyerno gaya nina Executive Secretary Salvador Medialdea, Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Capt. Jim Sydiongco, Civil Aeronautics Board Director Carmelo Arcilla at mga airline executives.
Ang NAIA Runway 13/31 na nagse-serbisyo sa karamihan ng mga domestic flights atd short-haul aircraft gaya ng Airbus A320 ay pansamantalang isinara noong nakaraang taon para bigyang-daan ang naturang major rehabilitation at extension.
Ang pagbaba sa bilang ng domestic at international flights dala ng pandemya ay nagbigay-daan naman para sa pagkumpleto ng naturang proyekto nang mas maaga pa kesa sa inaasahang timeline nito.
Ang iba pang kaugnay na gagawin sa NAIA ay kinabibilangan ng mga pasilidad para sa aircraft safe landing at take-off, gayundin ng repair at upgrading ng luma at sira nang aspalto ng pavement na nagu-ugyan sa Terminal 4 Apron at North and South Taxiway.
Maging ang Department of Tourism ay nagpahayag ng pagkagalak sa rehabilitasyon ng nasabing runway. Inaasahan ng mga awtoridad na makakabawi ang local tourism industry ngayong summer matapos maapektuhan nang husto ng pandemya.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.
The post Air Asia, pinuri sina Tugade at Monreal sa bagong NAIA runway appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: