![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2020/09/realidad_finalpaaa.jpg)
PERFECT ang naging pagpili ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte dito kay former Congressman and Mandaluyong Mayor Benjamin “Benhur” Abalos Jr. makaraan ang pagyao ng dating pinuno ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na si retired General Danilo Lim.
Perfect in a sense na di na bago kay Boss Benhur ang tanggapan ng MMDA at sadyang garantisadong magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng stakeholders ang kanyang appointment dito.
Being a former chief executive of Mandaluyong, a progressive and prime city in Metro Manila, pamilyar si Benhur sa kalakaran ng mga gawain ng nasabing ahensiya ng gobyerno.
Pamilyar din siya at kaibigan nito ang karamihan sa mga nakaupong alkalde ng mga siyudad ng Kalakhang-Maynila.
Naging chairman din ng MMDA ang kanyang ama na si Benjamin Abalos Sr. noong 2001 hanggang 2002.
So to speak, kabisado ni Benhur ang pakaliwa at pakanan sa pagpapalakad ng nasabing ahensiya.
Bukod pa dito, second nature na ng batang Abalos ang pagiging “workaholic” na isa sa pinaka-importanteng katangiang dapat taglayin ng isang namumuno sa MMDA na hindi lamang trapiko sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan sa metropolis ang pangunahing responsibilidad kundi ang sangkatutak pang responsibilidad sa buong Metro Manila kasama na dito ang basura, pagbabaha at maraming pang iba.
Kabiyak ni Benhur Abalos ang sitting Mayor ng Mandaluyong na si Mayora Menchie na may ilang dekada nang katuwang nito sa paglilingkuran sa mga mamamayan ng nasabing siyudad.
Sabi nga, pag-tatak Abalos ang serbisyo, tiyak na ito ay todo-todo at totoo!
Ngayon nga ay napagkalooban ng malaking oportunidad si Benhur na paglingkuran ang buong Metro Manila in his capacity as MMDA chair.
Bukod sa pagiging alkalde at mambabatas sa Kongreso, aktibo rin si Benhur sa horseracing industry kung saan isa siya sa itinuturing haligi ng nasabing sports.
Horseowner din ito at malaki ang naitulong sa nasabing larangan upang ito ay ganap na i-professionalized at pagyabungin bilang isang lehitimong industriya.
Ngayong ngang ito na ang tumitimon sa liderato ng MMDA, marami ang umaasa na lalo pa nitong mapagbubuti ang kalidad ng pagseserbisyo ng nasabing tanggapan sa taongbayan.
Marami ring mga ambulant at sidewalk vendors ang naniniwalang maaayos na rin nila sa wakas ang tila “patinterong” labanan at habulan ng mga ito laban sa mga enforcers ng MMDA sa ilalatag na solusyon ni Abalos sa tradisyunal ng problema ng mga street vendors.
In close coordinations sa local government units, buo ang paniniwala ni Boss Benhur na unti-unting mapagtutulungan ang mga samut-saring suliraning kinakaharap ng MMDA at ng mga siyudad dito sa Metro Manila particular na sa isyu ng mga street vendors at street obstructions.
With Benhur at the helm of MMDA, nakakatiyak ang publiko ng maayos at parehas na serbisyo mula sa nasabing tanggapan ng pamahalaan.
Benhur might even surpassed the performance of his predecessors including his own dad Benjamin Abalos Sr.at the rate he is going!
“Masipag at mabait na bata” as President Duterte described Benhur Abalos.
Mabuhay ka sir Benhur and keep up the great work!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post MMDA Chairman Benhur Abalos appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: