Facebook

Salagin natin ang atin

SA bagong labas na tila kontrobersiyal na batas ng coast guard ng China, marami ang nabahalang bansa at maging mga eksperto natin ay aligaga, lalong lalo na kung proteksiyon ng ating mga mangingisda ang naka-salalay.

Agad namang pinawi ng embahada ng Tsina ang pangambang ito at sinabing ang bagong batas nila sa coast guard ay domistikado lamang. Hindi nito maaapektuhan ang patuloy na negosasyon ng dalawang bansa sa pinagtatalunang teritoryo ng karagatan sa South China Sea.

Paliwanag ng kanilang embahada na nilathala pa nila sa kanilang facebook account, ang bagong batas daw, ay para sa kanilang coast guard lamang at normal lamang at ginagawa rin ito ng halos ng lahat ng bansa – ang atasan itong bantayan ang kanilang karagatan.

May punto naman ang Tsina, dahil ang ating coast guard law din na naipalabas noong 2009 na nagaatas ng pagbubuo ng armado at unipormadong bantay dagat ay kailanman hindi nakitang banta para makidigma.

Ang pahayag ng Chinese Embassy sa kabilang banda, ay pagpapagaan ng tensiyon na dala ng di pagkaka-unawaan ng Pilipinas at Tsina sa mga bahagi ng South China Sea.

Kahit may kaakibat na kautusan ang bagong Coast Guard Law ng China na maaari nilang paputukan ang anumang uri ng banyagang sasakyang dagat na papasok sa kanilang ‘territorial waters’ hindi ito mangyayari sa mga mangingisdang Filipino dahil di naman tayo pumapasok sa kanilang mga teritoryo.

May mga nababalitang itinataboy ang ating mga mangingisda kapag nakita ng Tsina na lumalapit tayo sa kanilang teritoryo. Ang iba pa nga ay iniisprayan ng tubig upang bigyan babala.

Ganun pa man, di natin maiiwasan magbigay puna ang ating mga eksperto, lalo na sa sandatahang lakas. “Alarming” ang pagsasalarawan sa bagong batas ng Coast Guard ng China para kay bagong Philippine Militay chief Lt. Gen. Cirilito Sobjana.

Inatasan nito ang ating Philippine Navy ng pagpapatrolya ng mga pandigma nitong mga barko upang alalayan ang ating Coast Guard sa anumang hindi magandang pangyayari bunga ng bagong batas ng Tsina sa kanilang pagbabantay sa kanilang karagtan.

Siyempre kailangan nating salagin at ipagtanggol ang bahagi ng karagatang talagang atin, gaya ng West Philippine Sea na bahagi ng napalawak na South China Sea.

Ang bahaging West Philippine Sea ay atin. Dyan kumukuha ng kabuhayan ang marami nating kababayang mangingisda. Dapat lamang na bigyan sila ng proteksiyon at balaan na huwag makapasok sa teritoryo ng Tsina.

Pasasaan ba’t matatapos din yang gusot sa pagtatatlo ng teritoryo sa South China Sea. Mainam na maipakita rin natin na kaya nating bantayan ang parte ng karagatan na talaga namang atin simula’t simula pa.

The post Salagin natin ang atin appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Salagin natin ang atin Salagin natin ang atin Reviewed by misfitgympal on Pebrero 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.