Facebook

Isko, nagpasalamat sa mga taga-Maynila sa pagpili kay Honey bilang VM

PINASALAMATAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang mamamayan ng Maynila sa pagbibigay sa kanya ng katuwang sa pamamahala sa kabisera ng bansa at ito ay sa katauhan ni Vice Mayor Honey Lacuna, kung saan ang kasanayan bilang doktor ay labis na nakatulong sa paglikha ng mga polisiya na aktibong umayuda sa laban ng lungsod kontra coronavirus.

Ang pahayag ay ginawa ni Moreno makaraang pangunahan nila ni Lacuna ang pormal na pagbubukas sa publiko ng bagong ‘Hidden Garden’ ilang metro ang layo sa Manila City Hall at magsisilbing panibagong pasyalan para sa mga taong naghahanap ng open air at green space.

Bilang pagpapahayag ng kanyang pasasalamat sa residente ng lungsod sa paglalagay kay Lacuna bilang kanyang katuwang sa pagpapatakbo ng pamahalaang lokal ay sinabi ni Moreno na: “Lagi, napakalaki ng kanyang partisipasyon sa kinakaharap na pandemya and I am lucky and thankful to the people of Manila for giving me a partner, particularly isa po siyang doktora na nagagabayan ang punong ehekutibo ng mga polisiya na makatutulong kundi man masugpo ay mapanatiling mababa ang impeksyon ng COVID sa lungsod.”

Pinasalamatan din ng alkalde si city engineer Armand Andres, city electrician Randy Sadac at department of public services chief Kenneth Amurao sa kanilang naging ambag upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng ‘Hidden Garden’ .

Nangako si Moreno na hindi hihinto ang pamahalaang lungsod sa pagkakaroon ng mga kaisipan at pamamaraan upang makalikha ng marami pang green spaces na mangangahulugan ng mas sariwang hangin para sa mga residente ng lungsod.

Ipinagmalaki ni Moreno ang nasabing lugar na may isang ektarya ng horizontal at vertical gardens na ang layunin ay upang makaranas din sariwang hangin ang mga residente ng lungsod na kanilang nararanasan lamang kapag umuuwi ng probinya.

Ang lugar ng bagong hardin ay dating bakante na tambakan ng mga lumang sasakyan, basura, mga putol na sanga ng kahoy. Makikita ito ng mga motorista kung dadaan sa overpass patungong Chinatown o Sta. Cruz area.

Layunin din ng paglikha ng nasabing bagong hardin ang hikayatin ang mga residente na gamitin ang lugar para sa kanilang physical development activities sa halip na sila ay magtungo sa mga lugar na walang daluyan ng sariwang hangin. At dahil ito ay open air ay mas ligtas ito sa COVID-19.

Ang tanging pakiusap lamang ng alkalde sa paghahandog ng panibagong hardin sa mga pupunta ay panatilihin itong malinis at itapon sa itinakdang basurahan ang kanilang mga kalat. (ANDI GARCIA)

The post Isko, nagpasalamat sa mga taga-Maynila sa pagpili kay Honey bilang VM appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Isko, nagpasalamat sa mga taga-Maynila sa pagpili kay Honey bilang VM Isko, nagpasalamat sa mga taga-Maynila sa pagpili kay Honey bilang VM Reviewed by misfitgympal on Pebrero 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.