![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2021/02/bong-go-9.jpg)
IGINIIT ni Senador Christopher “Bong” Go na dapat din kasama sa mga uunahing bakunahan ng anti-COVID-19 vaccine ang mga miyembro ng media.
Sa isinagawang turnover ng mga firetruck sa Kibawe Bukidnon, ipinaliwanag ni Go na mistulang mga frontliners din ang mga miyembro ng media dahil nalalagay din sa peligro ang buhay ng mga ito para lamang maka-kalap ng mga impormasyon na ipaparating sa publiko na kanilang tungkulin.
Binigyang-diin ni Go na itinuturing niyang isa sa mga mahalagang sektor ng lipunan ang media dahil sila ang nai-expose sa mga lugar para sa paghahatid ng mga balita at pag-alam ng mga nangyayari sa isang lugar.
Samantala, hinimok ni Go si Pangulong Rodrigo Duterte para i-certify na urgent ang hakbang na naglalayong mapabilis ang procurement ng bakuna ng mga Local Government Unit at ma-establish ang vaccine indemnity fund.
Matatandaang iginiit ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na lahat ng mga vaccine manufacturers ay nagri-require ng indemnity at liability frameworks na kabilang ang pag-set up ng indemnification fund na suportado ng legislation para may safeguard ang mga ito sa posibleng damage suits.
Ito rin ang dahilan kaya nagkaroon ng delay sa pagdating ng mga bakuna sa bansa na unang inasahang dumating sa bansa noong Pebrero 15. (Mylene Alfonso)
The post Mga media isasama sa unang babakunahan – Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: