Facebook

PH VOLLEYBALL NASA MABUTING KAMAY NA NI SUZARA

ASAHAN na ang komprehensibong pagbabago sa larangan ng volleyball sa bansa.
Natapos ang krisis sa liderato ng naturang spectator sport sa Pilipinas matapos na resolbahin ito ng pagluklok ng isang tunay na lider na sinang-ayunan ng halos lahat ng volleyball stakeholders sa buong kapuluan.
Nahalal na pangulo kamakailan ang maitutring na instrumento at nagpasikat ng larong volleyball sa bansa na si Ramon Suzara- tanyag na organisador ng big time volleyball leagues na nagpaangat sa estado ng kumpetisyon at humatak ng ‘multitude of fans’ na nagbigay ng pag-asa sa mga naga-ambisyong. kabataang maging volleyball player sa hinaharap.
Sa pag- upo ni Suzara bilang pangulo ng Philippine National Volleyball Federation, Inc.,- bagong NSA na kinikilala ng Philippine Olympic Committee( POC) at Philippine Sports Commission(PSC), inanunsiyo agad nito ang dalawang higanteng hakbang na naka-prayoridad sa kanyang 10-point program plan.
Una dito ang pagtakda ng national championships at ang pagdating ng dalawang Brazilian coaches na tutulong para sa ating pambansang koponan ng volleyball.
“What every volleyball player or fan should expect is a national league.With the top eight clubs in the country that will compete inside a bubble for two or three weeks”,ani Suzara.
“It will be an achievement beacause it has not happened, and this league will be owned by the federation.”
Sa ikalawang punto ay binigyang diin ni Suzara ang pagpapalakas ng national men’s at women’s teams.
“I have been in discussion with Federation Internationale de Volleyball( FIVB) to bring in two coaches to help over in the next three years,”ayon sa bagong halal na pangulo ng volleyball sa bansa.
Hinalimbawa ni Suzara na maging ang mga tunay na nationalistic na bansang Japan at Korea ay umiimport na rin ng serbisyo ng foreign coaches upang makatulong sa kanilang programa.
Ang Japan ay inimporta ang isang French coach na kaagapay sa kanilang national coach na si Yuichi Nakagaichi habang ang South Korea ay kumuha ng Italyanong coach na tutulong sa kanilang kampanya para sa parating na Tokyo Olympics.
Thers a lot of change going on.We have to change our volleyball landscape.We need to have that transfer of technology”, diin ni Suzara na tiniyak ang pagdating ng dalawang Brazilian coaches sa pahintulot ng pagkakataon sa new normal na sitwasyon.(Danny Simon)

The post PH VOLLEYBALL NASA MABUTING KAMAY NA NI SUZARA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PH VOLLEYBALL NASA MABUTING KAMAY NA NI SUZARA PH VOLLEYBALL NASA MABUTING KAMAY NA NI SUZARA Reviewed by misfitgympal on Pebrero 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.