Facebook

Walong teams sasabak sa PSL Beach Volleyball Cup

LIMANG beach volleyball teams ang nadagdag sa tatlong natitirang Super Liga regular club sa pag sulong ng Beach Volleyball Challenge Cup mula Pebrero 26 to 28 sa Subic.
Tatlong guest team ang nakilahok, para maging eight-teams field sa bubble setup.
Sta Lucia at United Auctioners Inc, na kinatawan ang Chery Tiggo, ay magpapadala ng tig-dalawang teams,habang ang F2 Logistics ay magpapadala ng isang squad.
Dalawang teams ay magmula sa Abanse Negrense ng Bacolod,habang ang Toby’s Sports ay magpapadala rin ng team, ayon kay PSL chairman Philip Ella Juico.
Hindi nailabas ng teams ang pangalan ng mga players na ipapadala sa kumpitisyon.
Sinabi ni Juico na inaprobahan ng SBMA Authority at Region lll task force ang health at safety protocols na kanilang bubble tournament.
“We already received the approval of venue host SBMA, which is very important, and the Region III task force,” Wika ni Juico.
Ang PSL ay mayron pang isang Linggo para kumuha ng guidlines para sa amateur sports mula sa DOH at green light mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Ang league officials at teams ay nakatakdang pumasok sa Subic bubble sa Miyerkules sa susunod na Linggo.
Sinabi ng IATF na ang PSL at Maharlika Pilipinas Basketball League, amateur league na planong ipagpatuloy ang aktividad, ay kailangan kumuha ng pahintulot ng Subic Bay Metropolitan Authority at health protocols para sa amateur leagues mula sa Department of Health bago makakuha ng go signal mula sa Task Force.

The post Walong teams sasabak sa PSL Beach Volleyball Cup appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Walong teams sasabak sa PSL Beach Volleyball Cup Walong teams sasabak sa PSL Beach Volleyball Cup Reviewed by misfitgympal on Pebrero 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.