
TODAS ang isang miyembro ng notoryus na “Cabeza” gun-for-hire syndicate na sangkot din sa pagtutulak ng ipinagbabawal na droga nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa bayan ng Buguey, Cagayan.
Kinilala ang napatay na si Edward Bareng, 45, residente ng Barangay Ballang, Buguey.
Sa ulat, minamaneho ni Bareng ang kanyang kulay asul na kotse (WAE-278) nang pagbabarilin ito malapit sa eskwelahan ng Barangay Pattao ng nasabing bayan.
Kahit sugatan, nagawa pang patakbuhin ni Bareng ang kanyang kotse sa layong 140 meters hanggang sa maikanal siya sa ginagawang barangay road.
Sakay ng motorsiklo, tumakas ang mga salarin nang matiyak na napatay ang target.
Nakuha sa loob mismo ng kotse ni Bareng ang 12 basyo ng bala at 2 slugs ng cal. 45 pistol na ginamit sa krimen. (Rey Velasco)
The post Notoryus na hitman sa Cagayan, itinumba appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: