
PATAY ang isang barangay kapitan nang pagbabarilin ng tatlong lalaki sa Labo, Camarines Norte.
Kinilala ang biktima na si Geoffrey Castillo, 58 anyos, residente ng Barangay Macogon, Labo.
Ayon kay Lt.Col. Juancho Ibis, hepe ng Labo Municipal Police Station, natutulog ang biktima at ang kaniyang asawa sa kanilang bahay nang dumating ang tatlong lalaki na nagpanggap na nangangailangan ng tulong ng kapitan. Subali’t nang buksan na ni Castillo ang kanilang pinto, agad itong pinagbabaril ng mga salarin.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.
The post Brgy. Kapitan niratrat sa kanyang bahay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Brgy. Kapitan niratrat sa kanyang bahay
Reviewed by misfitgympal
on
Pebrero 16, 2021
Rating:
Walang komento: