Facebook

4 magkakapamilya nalitson ng buhay!

NASAWI ang apat na magkakapamilya kabilang ang tatlong menor-de-edad nang makulong ang mga ito sa nasusunog na bahay Lunes ng madaling araw sa Barangay Cabantian, Davao City.
Kabilang sa mga nasawi ang dalawang anak ng may-ari ng nasunog na bahay sa La Verna Hills na may edad 19 at 8 anyos, at ang kanilang mga pinsan, na may edad 8 at 14 anyos.
Sinabi ni Senior Fire Officer 2 Ramil Gillado ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Davao Region, nahirapang makalabas ng bahay ang mga bata dahil sa malaking apoy sa may pintuan.
Batay sa imbestigasyon ng BFP-11, electrical ignition ang posibleng dahilan ng sunog dahil nagsimula ang sunog sa area ng bahay kungsaan may appliances na nakasaksak.
Napag-alaman na wala ang mga magulang ng mga biktima sa bahay nang mangyari ang sunog na umabot sa ikalawang alarma. Nadamay rin ang laundry shop sa harap ng bahay.

The post 4 magkakapamilya nalitson ng buhay! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 magkakapamilya nalitson ng buhay! 4 magkakapamilya nalitson ng buhay! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.