Facebook

19 estudyante na-rescue sa mga “komunista” sa retreat house sa Cebu

INANUNSYO ng Philippine National Police na nasagip nito mula sa kamay ng mga komunista ang 19 estudyante na pawang menor-de-edad na nagmula sa tribo ng mga Manobo.
Sinabi ni PNP Chief, General Debold Sinas, na ginawa nila ang kanilang operasyon sa isang retreat house sa University of San Carlos sa Cebu City.
Ayon kay Sinas, manipestasyon ang rescue operation na nagpapatuloy ang recruitment ng mga komunista sa mga menor-de-edad para sanayin ang mga ito na maging child warriors.
Iginiit ni Sinas na malinaw na paglabag ito sa International Humanitarian Law.
Gayunman, ipinaliwanag ng unibersidad na bahagi ang mga menor-de-edad ng 42-person delegation na nagpartisipa sa modular schooling activity noong March 2020.
Pabalik na dapat ang mga katutubo sa kanilang mga komunidad, ngunit hindi ito natuloy dahil sa mga ipinatupad na lockdowns ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic.

The post 19 estudyante na-rescue sa mga “komunista” sa retreat house sa Cebu appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
19 estudyante na-rescue sa mga “komunista” sa retreat house sa Cebu 19 estudyante na-rescue sa mga “komunista” sa retreat house sa Cebu Reviewed by misfitgympal on Pebrero 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.