
TINANGGAL sa serbisyo ang 36 pulis ng National Police Commission (NAPOLCOM).
Sa unang En Banc session na pinangunahan ni NAPOLCOM Commissioner Vitaliano Aguirre, 103 summary dismissal cases na kinasasangkutan ng 177 police officers ang naresolba.
Ayon kay Aguirre, 36 police officers kabilang ang isang Kernel ang kanilang sinibak sa serbisyo. Labingwalo ang pinatawan ng 1 rank demotion, 10 ang pinatawan ng 20 days hanggang 60 na suspensyon, at 3 ang pinagpaliwanag sa kanilang aksyon.
Sinabi ni Aguirre na ang pagsibak sa serbisyo sa 36 police ay tugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang hanay ng Philippine National Police (PNP) sa mga tiwali at “scalawags” na mga pulis.
Dumalo sa en banc deliberation sina PNP Chief Debold M. Sinas, Commissioner Felizardo M. Serapio, Jr., Commissioner Zenonida F. Brosas, at Commissioner Job M. Mangente.
(Mark Obleada)
The post Kernel, 35 pang pulis sinibak sa serbisyo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: