
NASAMSAM ng Bureau of Customs Port of NAIA ang 2,878 tablets ng ecstasy o “party drugs” sa Maynila nitong Lunes.
Katuwang ng BOC sa ginawang “controlled delivery” operations ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).
Naaresto ang claimant na si “Ron Ron Salonga” sa Manila Central Post Office 12:00 ng tanghali.
Lumabas sa datos na idineklara ang shipment na naglalaman ng “2 Women Clothes, 1 Kids Clothes & 1 Shoes.”
Ipinadala ito ng isang “Mary Lumbao Edward” mula sa Netherlands at naka-consign sa isang residente ng Malate, Maynila.
Base sa profiling at examination ng NAIA Customs examiner at K-9 sweeping, nadiskubre ang 12 packs ng ecstasy tablets na berde at gold ang kulay sa loob ng kahon.
Lumabas sa chemical lab analysis ng PDEA na ecstasy ang mga nakitang tablets.
Aabot sa P4,892,600 ang kabuuang halaga ng nasamsam na iligal na droga.
Ang claimant at ecstasy ay nasa kustodiya ng PDEA. (Jocelyn Domenden/Mark Obleada)
The post P4.9 million ecstacy nasabat sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: