Facebook

P100m pekeng bags, gamot nasabat ng BOC sa Tondo

UMABOT ng P100-milyong piso ang kabuuang halaga ng mga nasabat na pekeng bags at gamot ng Bureau of Customs (BOC) sa isang storage facility sa Tondo.
Pinangunahan ang naturang operasyon ng Manila International Container Port (MICP) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa pamamagitan ng letter of authority (LOA) na ibinigay ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Ininspeksyon ng mga otoridad ang nasabing pasilidad kungsaan nakita ang intellectual property infringing items tulad ng Louis Vitton, Gucci, at Channel designer bags.
May nakuha rin ang mga ito na hindi rehistradong face shields, face masks, pekeng gamot at pekeng sabon.
Natuklasan din ng ahensya na ang ilang face masks na nasa storage facility ay ang brand ng AIDELAI na ipinagbabawal ng Food and Drug Administration (FDA) dahil hindi ito dumaan sa ahensya para sa pagsusuri.
(Jocelyn Domenden)

The post P100m pekeng bags, gamot nasabat ng BOC sa Tondo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P100m pekeng bags, gamot nasabat ng BOC sa Tondo P100m pekeng bags, gamot nasabat ng BOC sa Tondo Reviewed by misfitgympal on Pebrero 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.