SUPORTADO ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang panukala ng Department of Health na kailangan nila nang nasa P362 million na dagdag na pondo para sa genome sequencing.
Ipinaliwanag ni Go na bagama’t hindi naman kasi inasahan ang mga bagong variant ng COVID-19 ay handa siyang tumulong na makiusap kina Pangulong Rodrigo Duterte at Budget Secretary Windel Avisado na malagyan ng pondo ngayong taon bagamat nalagdaan na ang national budget ng 2021 dahil hindi naman makakapaghintay ito hanggang sa susunod na taon.
Sinabi ni Go, na batid niyang tapos na ang budget ng 2021 kaya posiblengh kunin ang budget sa contingency fund ng Executive Department.
Iginiit ni Go na dapat nang masimulan at maipagpatuloy ang testing sa bagong variant para makaiwas sa mas maraming hawaan. (Mylene Alfonso)
The post P362-M dagdag-pondo para sa genome sequencing, suportado ni Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: