Facebook

Pagbabalik ng Sister-City Relations sa Moscow, pinag-iisipan ni Isko

PINAG-IISIPAN ng kabisera ng bansa ang muling pagbabalik ng sister-city relations sa Moscow, makaraang bumisita kay Mayor Isko Moreno si Russian Ambassador Marat Pavlov nitong weekend.

Ang embahador ay nagkaroon ng 30-minutong pulong kay Moreno, na masiglang nagpahayag ng planong panunumbalik ng sister-city relations sa pagitan ng Maynila at Moscow.
Sinabi ni Moreno welcome sa kanya ang kahit na ano, basta makikinabang ang Maynila.

Sinabi ni Ambassador Pavlov kay Moreno na nais niyang muling makapagtatag ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng Moscow at Manila, kasabay ng paanyaya niya sa alkalde na dumalo sa online conference na inorganisa ng Russian government kasama ang iba’t-ibang malalaking lungsod sa March 17 kung saan tatalakayin ang bagay na may kinalaman sa pandemya.

“We always welcome things which we can duplicate, emulate or learn from,” sagot ni Moreno, lalo na’t sa ilalim ng sister-city relations ay magkakaroon ng palitan ng mga impormasyon at tulong sa termino ng turismo/kultura, ekonomiya, agham at teknolohiya at iba pa.

Ipinahayag ni Moreno na masaya siyang lalagda sa anumang kasunduan na magbabalik ng sister-city ties sa pagitan ng Manila at Moscow, lalo na’t ang huling naitatag na relasyon sa dalawang lungsod ay noon pang 1997 o 23 taon na ang nakakaraan.

Nang mapadako na ang usapan sa kasalukuyang pandemya, ipinagmalaki ng alkalde kay Pavlov na ang lungsod ay mayroong vaccination storage na may kakayahang paglagyan ng lahat ng uri ng bakuna dahil taglay nito ang lahat ng temperaturang kailangan sa alin man uri ng bakuna.

“Any vaccine that can be accessed by the city of Manila can be stored properly,” ayon kay Moreno.

Sa pagtatapos ng pulong ay ibinigay ni Moreno kay Pavlov ang susi sa lungsod at isang mat na kung saan nakadisenyo ang mapa ng Intramuros .

Bilang ganti ay binigyan ni Pavlov si Moreno ng isang bote ng fish vodka at isang kahon ng tsokolate. (ANDI GARCIA)

The post Pagbabalik ng Sister-City Relations sa Moscow, pinag-iisipan ni Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagbabalik ng Sister-City Relations sa Moscow, pinag-iisipan ni Isko Pagbabalik ng Sister-City Relations sa Moscow, pinag-iisipan ni Isko Reviewed by misfitgympal on Pebrero 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.