Facebook

Jeepney, bus drivers sa Pagadian City tinulungan ni Bong Go

PATULOY sa pagtulong sa mga naghihikahos na dulot ng COVID-19 pandemic, inayudahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga kababayan nating nawalan ng hanapbuhay, lalo ang mga nasa tranport sector, sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur.

Nasusunod ang health at safety protocols, biniyayaan ng tanggapan ni Sen. Go ng mga makakain, food packs, masks, face shields, mga bitamina at iba pang tulong ang nasa 459 jeepney at bus drivers sa Pagadian City Covered Court.

Para i-promote ang paggamit sa alternatibong uri ng transportasyon, namahagi si Go ng mga bisikleta sa mga piling benepisyaryo.

Ang iba ay binigyan ng computer tablets para magamit ng kanilang mga anak sa blended learning na iniimplementa sa mga paaralan.

Tuwang-tuwa rin ang ilan nang mabigyan ng mga bagong sapatos.

“Alam ko naghirap na ang inyong kabuhayan diyan, lalo sa mga tricycle driver at jeepney driver. Nandito kami para magserbisyo sa inyo at handa ang opisina ko para malaman ang inyong sitwasyon at magpadala ng tulong,” ang sabi ni Go.

Ipinayo ni Go na palaging magsuot ng masks at face shields para maproteksyonan ang sarili sa posibleng pagkahawa sa COVID-19 sa kanilang komunidad.

Ipinaalala rin ng senador ang palagiang pagsunod sa health protocols, gaya ng paghuhugas ng kamay, pag-obserba sa social distancing, at pag-iwas sa mga hindi importanteng mga lakad.

Hinimok din niya ang mga nangangailangan ng medical assistance na lumapit lang sa Malasakit Center sa Zamboanga del Sur Medical Center na nasa lungsod.

“Para talaga ‘yan sa poor and indigent patients, sa Pilipino talaga ‘yan. Lapitan niyo lang ‘yan,” ani Go.

Noong nakaraang buwan, nauna nang nagbigay ng ayuda si Sen. Go sa tinatayang 2 libong kasapi ng Tricycle Operators and Drivers Association sa Pagadian City matapos maapektuhan ng krisis.

Samantala, nagtungo rin ang grupo ni Sen. Go sa Tuburan, Cebu para tulungan ang 68 flood victims at 677 pedicab drivers na patuloy na naghihirap dahil nawalan ng kabuhayan.

“Mayroon lang akong ipinadala diyan sa inyo na tulong. May vitamins din. Inumin ninyo ito dahil pampalakas ito ng resistensya,” sabi ni Go sa video call.

“Pakiusap lang, sumunod tayo sa gobyerno. Magsuot ng mask at face shield. Proteksyon ninyo ito. Mag-social distancing din at maghugas ng kamay,” muli niyang paalala.

Labis ang pasasalamat ni Ramon Mero, isa sa pedicab drivers na nakatanggap ng ayuda sa kabutihan ni Sen. Go.

“Sa panahon ngayon, mahirap po maghanap ng pasahero o passenger kaya po ang bawat isa ay naghahati-hati lang po sa maliit na income. Salamat po sa inyo Senator Go at hindi n’yo kami pinabayaan,” sabi ni Mero.

“Mga kapatid ko diyan sa Tuburan, kung mayroon kayong pasyente, kung kinakailangan niyo magpaospital, magpa-check-up, o magpa-admit sa ospital, mayroon tayong Malasakit Center,” ang paalala ng senador.

“’Yan ang ipinangako ko sa inyo noon na batas na ngayon na mayroon na tayong 101 na Malasakit Center sa buong Pilipinas, at tutulungan kayo niyan.”

“Zero balance ang target niyan para wala na kayong babayaran sa inyong ospital. Lapitan niyo lang ‘yan dahil para ‘yan sa mga Pilipino, poor, and indigent patients,” ayon kay Go. (PFT Team)

The post Jeepney, bus drivers sa Pagadian City tinulungan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Jeepney, bus drivers sa Pagadian City tinulungan ni Bong Go Jeepney, bus drivers sa Pagadian City tinulungan ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Pebrero 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.