REPORT ko po dito sa Gagalangin sa Pampanga Market, ang presyo ng baboy at manok eh hindi parin sinusunod ang price ceiling. Kelan po ba dadalawin ng mga kinauukulan ang aming lugar. Kumilos ka, Sec DAR! – Concerned citizen
Front ng mga tulak sa Bongao, Tawi Tawi
Isa Po Akong Tricycle Driver Dito Sa BGY LAMION, BONGAO, TAWI2X. Ayon po sa mga kakilala ko, may mga ilan pong residente ng UPPER KATIPUNAN, LAMION 1 ang ginagawa lamang front ang pangangalakal ng bakal o yero pero ang katotohanan po, sila’y mga small drug peddlers. Pls help TAWI2X become a drug-free province!!! – Concerned citizen
Hirit pang ayuda kay Mayor Isko
Nagbigay si Isko ng box may lamang 3 kilo ng bigas, 16 na delata halo halo sardinas, tuna at karne norte at 4 na twin pack na nescafe. Ok! Sana kasunod nito agad yung pambili ng gamot ng seniors at pwds para sa kailangan. Kelangan din namin ang gamot para tumagal pa buhay ng mga senior. Mas makakaraos sila sa pagkain sa araw araw kahit lucky me pansit canton ang ulam. Pero ang gamot mahirap mairaos ganun na lang. Ang hirap ang maging isang dukha. Nag-iisip araw araw kung papaano kami makakaraos kumain at gamot. Di tulad ng may pera normal masaya ang buhay ‘di masyadong apektado ng pandemya. Kaya marami ngayon ang nakikipagsapalaran para kumita at mabuhay. Ang mga bumbay at lending ang humahataw ngayon ng pagpapautang para mkapagtinda ang mahihirap. Wala naman mautangan sa gobierno na maliit ang tubo kahit trabaho wala rin maibigay. Mga JO naman sa City hall nagrereklamo sa delay ang sahod. GOD FIRST. – Juan po ng Tondo
The post Palengke sa Gagalangin, Tondo, Manila di sumusunod sa price cap appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: